𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 19: 𝐅𝐚𝐥𝐥𝐞𝐧 𝐏𝐞𝐭𝐚𝐥𝐬

1.8K 103 8
                                    

S O M E O N E ' S P.O.V

"shit hindi totong Andrea yang hawak niyo!!!" Napasigaw sa galit ang hari. Napayuko nalang ako.

"sorry ama, hindi ko alam na clone iyang nahuli ko." Sinamaan niya ako ng tingin, yung tipong dismayado siya sa ginawa ko. Yeah, i failed. Hes being like that, minsan nga kapag wala akong nagawang tama sa mata niya ay parang nakalimutan niyang anak niya ako. Palagi niyang pinapamukha sa akin na wala akong kwenta, pero hindi ako sumuko. Gumawa ako ng paraan para maging proud siya sa akin, ngunit nabigo ulit ako.

Hindi ko alam, pero parang nararamdaman ko nalang na hindi ko gusto ang kasamaang ginagawa niya. Hindi niya ako tinuturing na anak niya, mas importante sa kanya ang trono bilang hari at paghihiganti.

May narinig naman akong tawa sa gilid. Kaya nabaling ang atensyon namin sa kanya.

"HAHA sabi ko naman sa inyo, hindi kayo magtatagumpay. Malalaman at malalaman rin nila ang totoo HAHA" Nagalit naman ang aking ama at ang ina ko. Kaya may ginamit na kapangyarihan si Ina para lumabas ang binigay niyang sumpa sa prinsepe. Kaya namimilit na ito ngayon sa sakit. nagkaroon siya ng itim na tattoo sa kanyang kanang pisnge, at kumakalat iyon sa kanyang leeg.

"yan ang nababagay sa iyo. Hindi pa ako tapos" para itong lason na kumakalat sa boung katawan niya. Maya-maya pa ay bigla nalang siyang nagwawala dahil sa nararamdamang sakit. Nagkaroon ako ng kaunting awa sa kanya, nakapakasama talaga ni ama.

"At sa oras na i-ito ti-tiyak kong gi-gising na si Andrea. arghhh!" Tumalikod nalang ako, hindi ko kaya ang nakikita ko. Maya pa ay nakaramdam ako ng sakit sa kanang pisnge ko. Sinampal pala ako ng ina ko, gusto kong umiyak pero pinatili ko ang walang emosyon kong mukha matakpan lang ang sakit na naramdaman ko.

"ikaw ang may kasalanan nito, kung nag ingat ka sanang piste ka!. Umalis kana dito!." Pagsisihan niyo itong ginawa niyo sakin, simula ngayon hindi ko na kayo kinikilalang magulang. Naikuyom ko ang kamao ko, tahimik kong nilisan ang madilim na lugar na iyon.

Bumalik ako sa magical high, ngunit nasa labas lamang ako. Gamit ko ang toto kong itsura, at katawanan. Tinignan ko lang ang magandang lugar na ito. Dito ko naranasan kung paano maging mahalaga, kung ano ang totoong pagmamahal ng isang kaibigan. Nagkaroon ako ng madaming kaibigan, kahit hindi nila alam na pinagtaksilan ko sila. Ginamit ko ang katawan ng hindi sa akin, pero kahit ganon ay hindi ako nagsisisi sa ginawa ko.

Dahil dito naramdaman ko kung paano maging importante.

Aalis na sana ako ng may naramdaman akong ibang presensya. Napatingin ako sa gawi ng may malaking puno. May isang babae doon na naka upo, at masayang naglalagay ng makeup sa mukha. Napailing nalang ako, kilala ko ito. Isa siya sa mga kapatid ni Maine.

"Tori" mahinang sabi ko, pero narinig niya kaya lumingon siya sa kinaroroonan ko. Ano kaya ang ginagawa niya sa labas, hindi ba siya aware na delikado lalo na sa isang gaya ko.

Nagulat siya ng makita ako pero agad rin namang ngumiti.

"sino ka?''kinikilig niyang tanong, hindi niya ako kilala?. E lahat ata kilala ako bilang kalaban, she's different. I think i like her?

lumapit nalang ako sa kanya, tapos tumabi ng upo. Nakaupo siya sa mga malalaking ugat ng punong ito.

"My name is Dark" malamig kong sabi, tignan nalang nating kung hindi siya matatakot. Baka mamaya sisigaw nalang siya at hihingi ng tulong, o dikaya lalabanan ako. Akala ko lang pala yon, dahil ang reaction niya ay nangiti.

"Aweitt kilala mo ako, ako si Tori. Siguro crush mo ako noh?" Napanganga ako sa lumalabas sa bibig niya. Hindi siya takot?, at nagawa niya pa akong sabihan na crush siya. Edi tatakotin ko pa siya lalo.

"Anak ako ng hari ng Dark force" tignan nalang natin kung hindi ka pa matatakot. Akala ko ay matatakot siya, ngunit kabaliktaran ang nangyari.

"okay lang gwapo ka naman e, cute cute pa" mangha akong tumingin sa kanya. Hi-hindi siya takot?, wow. Bigla ko namang naramdaman ang malakas na kabog ng dibdib ko. No way, hindi dapat ito mangyari. Hindi dapat ito magpatuloy. Natatakot ako. Napalunok nalang ako. Hanggang sa naramdaman ko nalang ang biglang pagyakap niya sa braso ko. Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang akong kumalma. Mga problema at takot na naramdaman ko ngayon ay bigla nalang nawala. Dahil sa babaeng ito, siguro ito na ang panahon para hayaan ko ang sarili kong maging masaya. Kahit panandalian lang, na sana hindi lang panandalian dapat magtagal rin.

A N D R E A

Sasabihin ko ba?, pero wag mona ngayon. Gusto ko pa siyang kausapin, gusto kong malaman ang rason niya. Kahit manganib ulit ako, basta marinig ko lang lahat ang dahilan niya.

sapagkat nararamdaman kong mabuti siyang tao, naramdaman ko ito nong nakasama namin siya. Minsan na naming naririnig na tumatawa si Storm kahit hindi naman talaga siya ito. Akala namin nagbago na si Storm o naka move on na. Simula kasi nong namatay ang kanyang ama at ang kanyang iniibig na babae na si Sylene ay nagbago na ito.

Tanging si Sylene lang kasi ang may kakayahang hawakan siya at pakalmahin. Sa kabila ng sumpang bumabalot sa boung katawan niya.

"Oo tama ka may traydor nga, narinig ko siya. Pero hindi ko siya mamukhaan kasi madilim non e. Tapos nakita niya ako kaya hinuli niya ako." Pagsisinungaling ko, may kalahating tama, meron din namang mali. Lumusot sana ang pagsisinungaling ko. Bumuntong hininga nalang si Maine at tumango nalang. Nabaling ang tingin ko kay Kian na kanina pa nakatitig sa akin, ngitian ko lang siya. Ang cute niya, namula kasi ang pisnge niya tapos umiwas ng tingin. I chuckled.

Dumating narin ang aking magulang kaya agad nila akong dinambahan ng yakap. Nagpasalamat sila kay Kian at Maine. Haystt sana all talaga.

Sakto din naman ang pagdating ng kapatid ni Maine na si Nihone at Tori. Si Nihone ay may kasamang gwapong lalaki, at kilig na kilig pa ito. Habang si Tori naman ay blooming ata ngayon, nakangiti pa siya habang may iniisip tapos tumitili sa kilig. Tapataas ang kilay ko, huwag mong sabihing lumalovelife na ang mga ito?.

patakbo namang lumapit si Tori at Nihone kay Maine at nag sorry tapos nagyakapan. Bigla atang nagbago ang ihip ng hangin. Lahat nga sila ay nagtataka, at nakikita ko rin sa mga mata nila ang saya.

mapapasana all ka nalang talaga.

𝐚/𝐧: 𝐌𝐚𝐲 𝐬𝐚𝐫𝐢𝐥𝐢 𝐩𝐨𝐧𝐠 𝐤𝐰𝐞𝐧𝐭𝐨 𝐬𝐢 𝐒𝐭𝐨𝐫𝐦. '𝐭𝐡𝐞 𝐜𝐮𝐫𝐬𝐞𝐝 𝐏𝐫𝐢𝐧𝐜𝐞' 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐦𝐚𝐠𝐚𝐭. 𝐏𝐞𝐫𝐨 𝐮𝐧𝐭𝐢𝐥 𝐧𝐨𝐰 𝐰𝐚𝐥𝐚 𝐩𝐚 𝐢𝐲𝐚𝐧, 𝐩𝐞𝐫𝐨 𝐚𝐬𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢𝐲𝐨 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐫𝐨𝐨𝐧 𝐝𝐢𝐧 𝐲𝐚𝐧.𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐧𝐠 𝐤𝐰𝐞𝐧𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐢𝐭𝐨.

I Transmigrated as the Daughter of a Cold KingWhere stories live. Discover now