S E V E N

27 1 0
                                    

"THERE'S a cockroach inside!"

Lahat sila ay napakunot ang noo. What? What did I do wrong?

"May ipis sa loob!" pagtatagalog ko. Baka kasi hindi nila naintindihan eh.

"Para yun lang?! Ipis lang yun!" sigaw ni Leang.

I frowned. "Who gave you the rights to shout at my face?!" singhal ko. "At anong ipis lang? Yun na nga eh! Ipis! Do you know how disgusting that thing is?!"

"Wag na kayong mag-away. Ang mga boses niyo ay rinig na ng kapitbahay," saway sa amin ni Mrs. Bernardo. Tinanggal niya ang isa sa suot niyang slippers at iniabot sa akin. Naguguluhan ko itong kinuha sa kanya.

"W-What am I gonna do with this?" nagtatakang tanong ko. They sighed in unison and looked at me like I asked some obvious question.

"Ate naalog ba utak mo? Malamang ipapang-hampas mo sa ipis!" singhal sa akin ng kapatid ko. Minsan iniisip ko kung sino ang mas matanda sa amin eh.

Pero teka, ano daw?

"Eh?! No way!!" Iniisip ko palang, nandidiri na ako. Tsaka paano kung biglang lumipad? I think I saw its wing kanina eh.

"Gawin mo na kasi ate! Male-late na tayo-------"

Napatigil lang kami sa pag-aaway nang maglakad si Mrs. Bernardo papunta sa restroom. I followed behind her out of curiosity kung anong gagawin niya.

Napangiwi ako nang hampasin niya bigla yung ipis. Lumalim ang gatla sa noo ko nang hawakan niya ito sa antenna at inihulog sa toilet. Sumalok siya ng tubig mula sa timba at binuhusan iyon.

Umalis sila sa tapat ng cr pagkatapos. Iiiling-iling pa si Leang sa akin na para bang disappointed siya sa akin. Inirapan ko ito nang makatalikod na.

I didn't had a hard time taking a bath, pero hindi pa rin ako sanay. Paulit-ulit kong hinanap ang shower kanina habang naliligo ako eh. Patingin-tingin din ako sa toilet, worrying that the cockroach will suddenly float.

Because, what if the cockroach suddenly fly out of the toilet to get revenge? At ako ang makita niya sa harapan ng toilet so iisipin niya na ako ang nag-murder sa kanya! I'm innocent!

Nakatapis lang ako ng twalya pagkalabas ko ng cr at dere-deretsong naglakad papunta sa kwarto ko. Hinanap ko kaagad ang uniform sa wardrobe pero naalala ko na three weeks pa nga lang pala simula nung first day of class so definitely, I will be needing to wait for more weeks.

Pumili ako sa mga damit ni ugly girl pero wala akong matipuhan. Ang jologs naman kasi manamit eh. Puro jeans na luma at simpleng shirt lang ang nakita ko. At dahil doon ay wala akong choice kundi isuot na lang ang pinakamatinong nakita ko. It is a t shirt and a fitted jeans.

Sinuklay ko na rin ang buhok kong buhaghag. Akala ko nga mapuputol pa yung suklay sa sobrang ganit ng buhok na meron ang katawang ito. I just tied my hair to avoid it from blocking my sight. Naglagay din ako ng powder sa mukha.

Dinampot ko ang backpack ko bago lumabas ng kwarto. Natagpuan ko yung dalawa na nakatayo sa salas at mukhang inip na inip na. Mayamaya biglang dumating mula sa kusina si Mrs. Bernardo na may dala-dalang paper bag at iniabot ito sa akin.

"Eto ang pananghalian mo anak. May tinapay din diyan. Kainin mo dahil hindi ka pa nag-aalmusal. Sige na umalis na kayo. Male-late na kayo." Itinulak kami ni Mrs. Bernardo ng marahan papalabas ng pinto.

Dumeretso ako palabas pero napatigil ako sa paglalakad nang bumalik sina Leang. Kinuha nila ang kamay ni Mrs. Bernardo at idinikit sa noo nila. Nagtataka lang akong nakatingin sa kanila. What are they doing?

Pagkatapos nila ay tumingin sila sa akin. "Ikaw naman ate," sabi nung nakababata. Napaturo ako sa sarili ko. Anong ako? Nakatingin lang ako sa kanila until realization hit me. Gagawin ko din ba dapat ang ginawa nila?

A Hundred Days With YouWhere stories live. Discover now