S I X T E E N

12 1 0
                                    

"NAHIHIYA ATA si Laning! Hahaha!" Kahit pa patay na si Venice ay parang gusto ko ulit siya patayin dahil sa pang-aasar niya sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin at tiningnan si Kyler dahil baka mamaya ay maniwala siya at mag-assume na may epekto siya sa akin. I even saw how he tried to swallow his chuckle while hiding a smile behind his fist but when he saw me looking, he immediately showed his serious face and looked away.  Napataas na lang ang kilay ko sa inasta niya.

"Ah oo nga pala, Kyle. Eto si Venice, kaibigan siya ni Lanie."

Napangiwi na lang ako sa inasta ni Venice dahil mabilis niyang inilahad sa harapan ni Kyler ang kamay niya at napakalawak pa ng ngiti niya. Kyler is kinda taken aback because of Venice's sudden move, but quickly composed himself and offered his hand back.

Maybe he's creeped out. I can't blame him though. Eto naman kasing si Venice, masyadong feeling close.

And yes, I purposely said that on my mind to ruin Venice's mood. And maybe it worked because I saw her grimaced for a second but concealed it quickly.

I see that she's good at hiding her reactions to people. But not to me.

"Hi! Ako nga pala si Venice! Nice to meet you!"

"Ikinagagalak ko ring makilala ka. My name is Kyle."

Nag-shake hands naman sila gaya ng ginawa namin ni Kyler noong unang beses na nagpakilala ako sa kanya.

Uh, why are they too formal?

"Kyle pala pangalan mo! Eh bakit ang tawag sa yo ni Lanie ay Kyler?"

Psh, she's really asking that? Alam ko namang alam niya ang totoong pangalan ni Kyler at may naiisip lang siyang kalokohan.

"Ah, kasi Kylerius ang pangalan ko, pero mas sanay ako na tawaging Kyle."

Ah, so ayaw niya pala na Kyler ang tawag sa kanya?

I unconsciously raised a brow. Okay, hindi na Kyler. Kyle na lang. Psh.

Napatingin si Kyler---este Kyle sa akin na parang nabasa ang naisip ko. "Pero okay lang naman na Kyler ang itawag sa akin."

I can't take his presence anymore so pinuntahan ko si Mrs. Bernardo at kinausap. "I thought we're going home? Let's go."

Hinila ko na ang braso niya pati na rin ang kay Venice pero pareho silang hindi nagpadala. Napabagsak na lang ang braso ko sa magkabilang gilid ko.
They really joined forces to oppose me?

Can't they feel that I don't want to talk to that man?!

Tapos ang sabi ni Venice kanina ay i-enjoy ko lang daw ang stay ko dito s buhay na ito pero paano?! Eh pati siya ay nagiging dahilan para ayawan ko ang mga nangyayari sa akin! She should be the one making my life here easier but based on what she's doing, mas lalo niya lang ako pinapahirapan!

"Uh, Nay, pwede ko po ba muna hiramin ang anak niyo?" Kyler asked while scratching his nape.

Tumingin naman sa akin si Mrs. Bernardo kaya mabilis akong umiling-iling para hindi siya pumayag. Sana makinig siya! Sana wag siya pumayag! Please!

"Syempre! Pwede ngang wag mo na siya ibalik eh! Iuwi mo na siya sa inyo!"

Sinamaan ko ng tingin ang bida-bidang babae na bigla na lang sumingit sa usapan. Siya ba si Mrs. Bernardo? Diba hindi?

"Can't you just shut your mouth?!" Hindi ko na napigilang singhalan siya sa inis ko. Kanina niya pa talaga ako pineperwisyo. Kasalanan niya talaga lahat ng kamalasan ko ngayon.

Nagulat naman sina Mrs. Bernardo at Kyle sa sinabi ko pero tinawanan lang ako ni Venice. Kanina ko pa napapansin na tuwang-tuwa talaga siya sa akin.

Ano ako? Clown niya?

A Hundred Days With YouWhere stories live. Discover now