E I G H T

15 0 0
                                    

I AM CONSTANTLY rolling my eyes on every student that talks shit about me. They kept on laughing about something, maybe it's because of the paper they saw on my back earlier. Buti nga at hindi pa ako nahihilo sa kakaikot ng mata ko eh. Hindi pa naman nasasagad ang pasensya ko pero pasensyahan kami kapag nawala ang pagtitimpi ko.

Habang naglalakad ay naalala ko na hindi ko pa nga pala alam ang year level ni ugly girl. Saan ako papasok?

Tumigil ako sa paglalakad at ipinatong ang bag sa pasimano. I am now in the first year floor, where my room is. Inilabas ko ang isa sa mga notebook na nasa lumang bag at binuklat.

Tiningnan ko ang nakasulat sa first page. It says that ugly girl's full name is Leilannie S. Bernardo. Below it is the year level and room number. And based here, she is from the first section where dean's listers belong.

Ibinalik ko ang mga gamit ko nang tumunog ang bell, meaning, magsisimula na ang klase. I ran all the way to the room. Pagkarating ko sa room ay dumiretso ako sa pinakalikod kung saan may bakanteng upuan. Wala akong katabi doon, obvious na walang kaibigan dito si ugly girl. I think everyone in this section don't like her.

Ilang saglit lang ang lumipas ay dumating si Ma'am Dizon kaya nagsibalikan na sa upuan ang mga estudyante. The tension is felt all over the students because of the expected recitation. Everyone knows that because she do that everyday. Palaging sa recitation nagsisimula ang klase. She will call randomly kaya marami ang kinakabahan.

But I remained calm. I have nothing to be worried about because I'm intelligent.

"Ms. Garcia.." tawag ni Ma'am. Tumayo ang babaeng nasa unahan at nagtanong si Ma'am.

Nang makasagot ito ay pinaupo ito kaagad. Nagpatuloy lang sa pagtawag si Ma'am at sinesermunan ang mga hindi nakakasagot.

"Mr. Fortaleza.."

Kinutkot ko gamit ang plain kong daliri ang kupas sa pantalon na suot ko. Because of boredom ay kung ano-ano nang napapansin ko sa paligid.

"Ms. Ramos.."

Napansin ko ang papel na nakalakumos sa tapat ng kinauupuan ko. Sinipa ko ito patungo sa ilalim ng kaharap kong upuan.

"Ms. Bernardo.."

Pinaglaruan ko ang mga daliri ko. Pinagkiskis ko rin ang dalawang palad ko kaya naramdaman ko na medyo magaspang ito, hindi gaya ng akin na soft and smooth and white.

"Ms. Bernardo?"

Napakarami talaga naming pinagkaiba. I really don't know why this is happening to me. Hindi naman ako masama...

Talaga?

"Again, Ms. Bernardo?"

O sige na aaminin ko, medyo may kasamaan ang ugali ko. Pero sapat na dahilan ba iyon para parusahan ako ng ganito?

"Is Ms. Bernardo here?!" Nawala ako sa pag-iisip ko nang lumakas ang boses ni Ma'am.

Nagtaka ako nang makitang nakatingin ang mga kaklase ko sa akin. My eyes widened when I realized that I am currently using Bernardo for now because that's ugly girl's last name. I should call ugly girl on her name from now on kasi alam ko na ang pangalan niya. Leilannie. Hm, so para maikli, Leinnie or Lani na lang ang itatawag ko.

Tinatamad na tumayo ako. "Yes, Ma'am?" taas noo kong tanong. Ang sama ng tingin sa akin ni Ma'am. As far as I know, hindi naman ganun kalupit na lecturer si Ma'am Dizon so she must be very pissed right now for her to act like that.

I stared at her proudly na para bang hindi nangyari na tinawag niya ako kanina ng ilang ulit. Why would I be ashamed? Even though I don't have my natural beauty right now, I still have my brain.

A Hundred Days With YouWhere stories live. Discover now