S I X

21 1 0
                                    

MINULAT ko ang mga mata ko nang marinig ang maingay na busina ng mga sasakyan. Kumunot ang noo ko. Bakit naman nagkaroon ng mga sasakyan sa harapan ng bahay? Eh nasa village naman kami at wala sa highway.

I am expecting to see my yellowish white ceiling but why does it changed? Bakit naging yero ang kisame ko?

Itinukod ko ang kamay ko sa hinihigaan ko para makabangon. Pero bakit ang malambot kong kama ay naging napakatigas na higaan? Isa lang itong kama na gawa sa kahoy at sinapinan ng ilang kumot. My pillow is not even soft! Is this even considered a pillow?!

Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Nasaan ba ako? This is definitely not my room! Na-kidnap na naman ba ako?

The wall of the room are just plywoods. Ang sahig naman ay sementong hindi pantay. This room is just the size of my bathroom! Porket kinidnap nila ako may karapatan na silang dalhin ako sa pangit na lugar na ito? They didn't even gave me a comfortable place... like a hotel or something!

Um, sinong kidnapper ang magdadala sa iyo sa hotel at magbu-book ng executive suite para sa iyo, Eris?

Hindi naman marumi ang lugar. In fact, nakapatas pa nga ng ayos ang mga gamit. Nangunot ang noo ko nang mangati ang balat ko. I immediately waved my hand to remove the mosquito flying around. Nakakainis naman! Sensitive pa naman ang balat ko! Baka mamaya makakuha ako ng sakit dito!

Why is my porcelain white skin now a coarse morena? Why did my soft hand now magaspang?! Oh my gosh, what the heck is really happening!?

"Mirror, mirror, mirror..." bulong ko habang tumitingin sa paligid. When I saw a small one above the drawer, I immediately got up from the bed and picked it up.

My eyes widened when I saw a very ugly creature on the mirror, my reflection. Hinaplos ko ang mukha ko habang paulit-ulit na bumubulong ng No.

"This can't be happening. This is just a dream."

I mean, this is impossible! So I'm pretty sure this is just a dream... a nightmare to be specific!

Sinampal ko ng malakas ang pisngi ko at napasigaw ako sa sakit nito.

"Oh my gosh, oh my gosh..." Nanginginig ang labi ko at halos matumba ako sa sobrang gulat. Dahil sa mga emosyong nararamdaman ko, napasigaw na lang ako. "AAAAHHHHHHH!!!"

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang babaeng mas bata sa 'kin. "Ano bang problema ate? Ang ingay mo eh!"

Itinuro ko siya. "Who are you?!"

"Anong nangyari sa 'yo ate? Epekto ba yan ng sobrang pag-aaral?" Napailing-iling siya. "Parang ayoko nang mag-aral ah."

She closed the door and left me. Napasalampak na lang ako sa sahig habang tulala sa kung saan. Gosh, I think I'm going crazy.

Kinuha ko ang salamin at pinagmasdan ang repleksyon ko. Just then, I recognized who it is. "Si ugly girl!"

Oh my gosh! Sa dinami-dami ng tao sa mundo bakit siya pa? Pwede namang si Alliana Hart o Yullise Rivera na lang eh! I would be beautiful and famous if I became them, though I already am in the life I had.

Napatingin ako sa pinto nang may kumatok dito. "Ate lumabas ka na diyan! Male-late ka na!!"

Tumakbo ako papunta sa pinto at binuksan ito. Nagulat ang babaeng kumakatok dito. She's also the one who came here earlier. She looked at me like I am a woman who sneaked out of a mental hospital and shook her head slowly.

Hindi ako nahirapang mahanap ang kusina dahil maliit lang naman ang bahay. There's a woman in front of a stove and she's cooking something. Nilapitan ko siya at biglang iniharap sa 'kin na ikinagulat niya.

A Hundred Days With YouWo Geschichten leben. Entdecke jetzt