BEINTE TRES

233 18 10
                                    

"Naia!" Para akong nabunutan ng tinik nang makita ko na ang pigura ni Noah na papalapit sa puwesto ko.

"Shit, what happened to you?!" Nag-aalala niyang tanong habang inaalalayan niya ako para makaupo ng maayos sa gilid.

Nang lumabas na ang dalawang Elders ay mabilis ko siyang nimind-link at humingi ng tulong. Mabuti na lang at hindi siya nagtanong agad. Sobrang pagpipigil ang ginawa ko para lang maiwasang humiyaw sa sakit dahil kada galaw ko ay siya namang sakit ng aking paa.

Si Claudius nga ang unang pumasok sa isip ko na i-mind link sana pero nag-back out agad ang ideya na iyon nang mapagtanto ko na hindi niya naman ako na-mind link dati kaya wala kaming connection. Isa pa, malabo ring masagot niya ang link ko sa dami nang trabahong inaatupag niya ngayon na kinakailangan pa ng maraming open connection.

Malaki na rin naman ang pasasalamat ko na narito na si Noah.

Puno ng pag-aalala niyang tinanong kung anong nangyari sa akin. I've just excused that I accidentally tripped and kind of dislocated my feet.

Labis na gumuhit sa mukha niya ang pangamba.

"Naia, this is not a normal sprain." Mariin niyang sabi. He scanned my feet, as if he was looking for some evidence.

I averted my eyes and let it settled on the floor. Alam ko na malabo ko namang maloko ang isang werewolf na halos kalahati na ata ng buhay niya ay umiikot sa pang araw-araw na physical battle at exposed na sa iba't-ibang uri ng injuries.

But I couldn't help it. It slipped out of my tongue. A freaking excuse to dismiss a fire of disagreement. Lalo pa at Elders na nila ang sangkot dito.

Kahit anong pilit at laban ko pa para makuha iyong hustisya at pantay na pag-trato sa akin, hinding-hindi ako mananalo. The Le'Clos Empire is bound to their own beliefs. They have sets of ideology about fair and square serving of justice and respect.

At wala sa mga iyon ang tamang pagtrato sa isang turned na gaya ko. Wala sa dictionary nila ang maayos na pagtrato sa isang tao.

"Then let's just pretend that it was a normal sprain." Ani ko, pinuputol na ang kahit na anong tanong na balak niyang ibato sa akin.

"Naia naman.." Puno ng frustration ang boses niya habang sinusuri ang kabila kong paa para malaman kung dislocatedndin ba ito pero pinili ko lang itikom ang aking bibig at isinandig na lang ang aking ulo sa shelving.

Saglit akong pumikit para makahinga ng maluwag dahil hindi pa rin kumakalma ang kabog sa aking dibdib, dala na rin siguro ng takot na baka mahuli ako ni Noah at masabi sa kaniya ang totoo na siya pang magiging ugat pa para magkagulo.

Sa pagkakaalam ko kasi, may deal na napamamagitan between Claudius and the Elders of his empire. Hindi ko nga lang alam ang buong detalye ng agreement dahil mukhang wala rin namang balak na ibahagi sa akin ni Claudius ang patungkol sa nakapaloob dito..

Hindi na rin naman ako namilit at kinalimutan ko na rin.

"Ouch!" Naramdaman ko bigla ang paghapdi ng aking mga mata nang subukang galawin ni Noah ang bahagi sa nadislocate kong paa.

Really, this sucks!

Malalim siyang napabuntong-hininga kasabay ng lalong pagdikit ng dalawa niyang kilay. Naramdaman ko na rin ang lamig ng hangin na nasa loob ng library.

"Tell me what had happened to you, Naia.." Mas lalo lang akong nagkaroon ng urge na itikom ang bibig ko at magbingi-bingihan na lang sa kaniya.

I am grateful about him but this issue is none of his business.

Hopeless (Cursed Wolves Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon