DISE SYETE

206 17 14
                                    

Matapos naming makapag-luto ni Seidi ay ipinadala na ito ni Lady Katalin sa main dinning room.

Nakakapanibago sa una kasi nasanay ako na sakto sa oras ang kain. Hinintay muna naming makatapos lahat ng pack members sa pagkain bago kami kumain.

Nasa sulok lang kami ni Seidi pumuwesto dahil sa nang-gigil na tinging ibinabato sa gawi ko. Wala namang kaso sa akin iyon. I'm worried about Seidi's image.

"Sure ka ba talagang gusto mong sumabay sa akin?" Mind linked ko sa kaniya. It feels so weird. Naninibago pa ako sa bago kong trait.

She gave me an annoyed look,"Paulit-ulit, Naia?"

Sinimangutan ko siya. "I'm just concern about you.."

"You shouldn't. Hayaan mo na lang sila."

I sighed then dismissed the thought of pushing her out again. Napaka-hostile kasi ng kasamahan namin. Hindi sila nagda-dalawang-isip na ipakita sa akin ang malaking tutol nila sa presensiya ko.

"Nakakasuka naman!"

"Nakakawalang gana na ngayong kumain!"

"E 'di huwag kayong kumain!" Seidi roared in our link. Muntik na tuloy akong mabilaukan dahil doon. Natatawa naman niyang iniabot sa akin ang baso ng tubig.

Sinamaan ko siya ng tingin, "'Pag kain, kain lang--" Napatakip ako bigla ng bibig dahil sa sinabi ko. Baka kasi isipin nila na pinaparinggan ko sila.

Nang marinig ko ang singhal ng mga taong nasa likuran namin ay napa-pikit na lang ako ng mariin. Shit.

"Wow, ang kapal naman ng Omega na 'to na mag-salita!"

Magsu-sorry na sana ako kaso tinakpan ni Seidi ang bibig ko at siya na ang humarap sa nag-salita.

"Ikaw ba ang kausap niya, Gael? Ikaw?" Mapang-hamon ang boses ni Seidi kaya mahina ko siyang tinapik sa hita niya pero hindi pa rin siya nag-paawat.

"Ikaw ba ang kausap ko, Seidi?" mataray na balik sa kaniya nang Gael. Inismiran ito ni Seidi.

"Feeling superior ka, ghorl?" Maarteng hinawi ni Seidi ang buhok niya at tinalikuran na ang gawi nito tapos ay sumubo na ulit ng pagkain, "Masyado kasing nakikisaw-saw, hindi naman kasali sa usapan. Kung gusto mong sumali sa asaran namin ni Naia, bakit hindi ka kasi lumapit dito.." Nginusuan niya ako nang mas malakas ko nang tinapik ang hita niya oara patigilin siya dahil ayoko na ng away. "Huwag kang mahiya, Gael. Wala kang gano'n.."

Pinanlakihan ko ng mata si Seidi. "Seidi! Nababaliw ka na ba!"

Nagkibit-balikat lang siya.

Balak atang sugurin noong Gael si Seidi dahil inaawat-awat siya nang mga kaibigan niya ngayon.

Napasapo na lang ako sa noo. Hay, baka mas lalo lang kaming pag-initan ngayon.

Natigil lang ang ingay sa direksyon nila Gael nang may pumasok sa kainan namin.

"Naia?" Napa-angat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Noah. Napataas ako ng kilay at kuwestiyonable siyang tiningnan.

Napansin ko sa peripheral vision ko na nag-iba bigla ang tinginan nila Gael. It looks like they're drooling over Noah's sweaty appearance. Well, well, well.

"Can I talk to you?" Saglit akong napako sa kinau-upuan ko dahil sa biglaang connection namin.

Kung hindi pa ako siniko ni Seidi, hindi pa ako babalik sa wisyon. Nilingon ko siya. "Kakausapin ka ata ni Sir Noah."

Hopeless (Cursed Wolves Series #2)Where stories live. Discover now