UNO

1.2K 30 0
                                    

Malakas na tawanan at kalansing ng mga bote at baso agad ang bumungad sa akin pagkarating ko sa bukana ng bahay namin.

Naaninag ko agad ang malalapad na mga ngisi sa mukha ng aking ama habang nakikipagtagayan ng alak sa mga kasamahan niya. Tsk. Paniguradong malakas na naman ang kita ng mga ito.

Tahimik kong binuksan ang gate. Ayokong gumawa ng ingay na ikakatuon nila ng atensyon sa akin. I hate their stares. I hate their comments and such. I hate them. Kababalik ko lang mula sa pagbisita sa ngayon ay nagpapagaling kong kaibigan na si Magdalene dahil inatake ito ng isang Rogue noong nakaraang araw. Ayaw ko munang dagdagan ang iniisip ko dahil sa kanila.

"Osvald! Inom pa! Cheers! " malakas na aya ng aking ama sa kanang kamay niyang si Osvald.

Napahalakhak naman ang ginoo dahil sa sinabi ng aking ama pagkatapos ay tinungga ang buong bote ng beer kaya mas lalong umingay sila.

"Cheers! Cheers! Paganda na ng paganda ang kapalaran natin!" naghiyawan naman ang mga "underlings" kuno nila dahil sa sinabi ni Osvald.

Napailing na lang ako dahil doon. Mahirap mang lunukin at masakit mang aminin sa sarili ko pero ayoko talaga sa mga kasamahan ng aking ama. No, hindi lang pala sa mga tauhan niya kung hindi ay pati na rin sa trabaho nila.

My father is the Head Hunter of this state, for goodness' sake! Sino bang matinong tao ang matutuwa dito.

Kahit anong yaman pa ang mayro'n kami o kahit na anong dami pa ng ari-arian, hindi pa rin maiaalis sa pangalan namin— sa pamilya namin na sa maduming paraan galing ang perang naiipon niya.

Dahan-dahan kong sinara ang gate at babalakin ko sanang sa service area na lang dumaan papasok ng bahay nang mapansin ako ng anak ni Osvald na si Ernst.

"Tito Uillean, dumating na pala si Naia!" masayang sabi nito sa aking ama dahilan para lahat ng mga mata ng mga hindi nakatingin ay napukaw sa akin.

I secretly sighed because of frustration. Napaka-papansin talaga nitong si Ernst kahit kailan!

Sabay-sabay na nag-tungoan ang mga tauhan ng aking ama sa akin at magiliw akong binati ng mga ito.

"Good evening, Senyorita!" I was forced to give them an acknowledgement smile. Pagkatapos ay sinalubong na ang seryosong tingin ng aking ama.

"How's the condition of Magdalene?" tanong niya pagkatapos ay nilagyan na naman ang wine glass niya ng beer.

Para akong nawalan ng hangin nang makaramdam ako ng kilabot dahil sa boses niya.

"She's recovering now, Father." narinig kong napa"tsk" siya dahil sa sinabi ko.

Naginuman na ulit iyong mga tauhan niya.

"Those mutts really deserve to die! How dare them to attack her!" singhal niya pagkatapos ay ininom na ang beer sa baso niya.

Kahit gusto ko siyang kontrahin ay hindi ko magawa kaya tahimik ko na lang siya na tiningnan. Ayaw na ayaw niya sa werewolves, kaya pinili niyang maging Hunter.

Father's hatred towards those lycan species is extreme. Naiintindihan ko naman iyon kasi nga pinatay si Mama ng isang werewolf. Oo, naiintindihan ko talaga iyon. Ang hindi ko lang maintindihan ay iyong ginagawa niya, nila. Isang werewolf lang naman iyong pumatay kay Mama, so why hunt them all? An eye for an eye right? Bakit hindi niya na lang Hunting-in iyong killer ni Mama instead of wasting his golden time slaughtering those who are innocent?

May sariling buhay din naman sila e. May mga pamilya din sila. But Father cannot even understand it. He's so hard-headed man. Sa sobrang galit niya nga sa mga werewolves ay pinili niya na lang akong i-home schooled since elementary until now.

Hopeless (Cursed Wolves Series #2)Where stories live. Discover now