SAIS

315 17 3
                                    

Dalawang linggo na ang lumipas matapos kong malaman ang pagbabago sa akin.

Dalawang linggo ko na ring pinipilit ipaintindi sa sarili ko iyon, pero walang epekto.

Mas lalo lang akong natatakot. Mas lalo lang lumalawak iyong kaba. Parang hindi pa kaya ng sistema kong tanggapin na isa na akong werewolf.

Isang werewolf..

Na hindi na ako tao. Na isa na akong living taboo. Worst, naging isa na ako sa species na pinapatay ng aking ama.

This is a living nightmare to me.

Paano ako mag-aadjust? Halos mabaliw ako kapag sinusubukan kong buksan ang bintana sa aking kuwarto at marinig ang mga tunog at boses na hindi ko naman naririnig dati.

Anong mangyayari sa akin nito? Hindi ko kayang isipin na mag-shishift din ako kagaya nang nakita ko. Ni hindi ko nga maisip na mabubuhay ako sa panghuhunting!

"Damn it, damn it, damn it!"

My life is already a mess. Pero hindi ko alam na may ikakagulo pa pala ang buhay kong ito. I don't even know if this is a blessing or a curse! Maybe both.

Ang daming tanong na bumabagabag sa akin. Ang daming bakit at papaano. Bakit kailangan ko pang maging turned-werewolf, a living taboo! Bakit?

Ilang beses na rin akong inalo ni Myem, ang katulong na umalalay sa akin simula pa lang nang naratay ako rito hanggang sa magising ako, na hindi naman masama ang pag-babago sa buhay.

Well, I know change is not that bad, but changing one's race is a bad thing!

What if hindi werewolf pack ang tinulungan ko at vampire pack pala? Magiging turned-vampire rin kaya ako? I think that is the worst. Maybe I should still be thankful here, dahil werewolf lang ang napasukan kong race at hindi vampire kasi hindi ko kayang isuko ang kalayaan kong makapaglakad sa araw at kumain ng mga pag-kain!

"Arghh.." What the hell I am even thinking? Walang nakakatuwa sa buong sitwasyon ko na 'to!

I am already a no one. Paniguradong itinakwil na ako ng aking ama gawa ng pagtatraydor ko sa kanila tapos nasabit pa ako ngayon!

Damn it, Nai. Damn it.

Sa loob ng dalawang linggo ay binibigyan na ako ng paonti-onting insights ni Myem sa buhay ng isang werewolf. Nalaman ko rin na isang special case si Myem dahil isa siyang hybrid, half werewolf, half fae. At dahil hybrid siya, nagkakaroon ng dysfunction ang dalawang race na nananalaytay sa kaniya na naging resulta para tumanda siya.

Hopeless (Cursed Wolves Series #2)Where stories live. Discover now