DISE SAIS

211 13 2
                                    

Claudius-- No, the Alpha Prince, kicked me out after his warm welcome. Inutusan niya si Myem na ipatapon na agad ako sa kitchen's corner nila dahil maid na raw ang role ko sa pack.

Myem tried to change his mind, saying that he should move the plan tomorrow, since I have just woke up.

But he grimly looked at Myem, saying, "Do I need to repeat myself, Myem?"

Kaya wala nang nagawa si Myem, tahimik niya na lang ako na dinala sa kitchen's corner nila ngayon. Ni-orient na niya ako sa lahat ng magiging trabaho ko at sa mga problemang darating.

"Hija, since you're a part of our pack now, and is assigned as a maid, isa sa magiging trabaho mo ay ang tumulong sa mga gawain sa kusina. Mag-luto, mag-hugas, mag-punas.."

"I know, your rank is unfair. Pero dahil may sistema rito sa emperyo, kung utusan ka man ng mga Norms, like myself, kahit ayaw mo, kailangan mong sundin iyon.."

"You will be prone to bullying from now on, but please, Hija. Do not give up. You are strong.."

I know, Myem was sorry to me. Ilang beses niya man 'yong itago ay bakas na bakas pa rin sa kaniya.

Kanina pa siya aligaga habang sinasabi sa mga under-maids niya na magiging kasama na nila ako sa trabaho.

I didn't dare to look at their faces. Blangko lang akong nakatingin sa kawalan. Sabi ni Myem, hindi nila ako kayang saktan physically dahil pack member na ako, but they can still attack me using another shinanigans. At alam ko na agad kung ano iyon.

Mag-isa ako ngayong nag-huhugas ng dose-dosenang plato. At kahit ilang oras na ang lumipas matapos akong ipakilala ni Myem sa kanila, napaka-open pa rin nila akong pag-usapan.

Kanina, harap-harapan din nilang tinutulan ang ideya ni Myem na makipag-trabaho sa akin ng maayos. They're openly hostile to me. Kung hindi pa nag-taas ng boses si Myem ay baka hindi pa sila tumahik.

Myem is the Head Maid here. So automatically called her Head Maid kahit na ayaw niya. Automatic na kasi sa akin na bigyang respeto ang mas mataas sa akin. That's why, I also will address Noah with Sir again, since he's a Delta and Gabriel as the Beta.

"Bakit kasi dito pa siya pinag-trabaho?"

"Sana pinatapon na lang siya ng Alpha kila Stefan!"

"Hmph! Mas bagay nga siya sa farm section! Tutal maduming uri naman siya!"

Nag-tawanan sila ng malakas. Kagat-labi ko lang na ipinagpatuloy ang ginagawa ko kahit na ang sakit sa tainga na marinig ang mga salita nila. Well, verbal abuse is much better than physical one.

Saka mukhang masasanay rin ako kapag nag-tagal na dahil araw-araw naman magiging ganito ang maririnig ko.

"Hi.." Muntik ko nang mabitawan ang binabanlawan kong baso nang may isang she-wolf na lumapit sa akin.

Her face seems familiar to me. She had a shoulder length mahogany hair, with a small round delicate face.

I awkwardly smiled, "Uh, hi." Siya kasi ang kauna-unahang kumausap sa akin.

Hindi ko tuloy mapigilang mapa-tingin sa likuran namin para tingnan ang reaksyon ng mga katrabaho namin. They're sending glares to the she-wolf and the gossiping about how daring and stupid she is, for approaching me.

"Uhm I think--"

She cut my sentence with an understanding smile. Napa-kurap pa ako dahil baka ilusyon lang ang nakikita ko.

Balak ko pa naman siyang sawayin at pa-iwasin na sa 'kin dahil baka maging out-cast pa siya.

"Tulungan na kita.." Dumbfounded akong napatingin sa kaniya. Hindi ko maiwasang kuwestiyonin ang ginagawa niya ngayon. What's this? Ang weird!

Hopeless (Cursed Wolves Series #2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant