CHAPTER 13

6 1 0
                                    

Caileigh's POV

Naghiwalay na kami ng landas ni Ariella dahil dederetso pa siya sa cafe ni Tanda para magtrabaho.


Nang makarating ako sa bahay ni Tanda ay mababatid mo kung gaano ka-busy ang paligid,  talagang pinaghahandaan nila at inaayos nang maigi ang paligid para lang sa mga panauhin ni Tanda mamayang gabi.

Sino kaya sila?

Nang makarating ako sa loob ay agad akong sinalubong ng mga tagasilbi at kinuha sa akin ang mga pinamili ko.

Saglit naman akong umupo sa sofa upang makapagpahinga at lumulinga-linga sa paligid ngunit hindi ko mahagilap si Tanda.


"Nasaan si Tandang Prospero?" Tanong ko sa katulong na nililinis yung vase sa side table nitong sofa.


"Umalis po siya kanina po para sunduin po yung mga bisita." Paliwanag niya habang nakayuko ang ulo at tila takot na takot na makipagtitigan sa akin.


"Saan niya susunduin?" Pahabol ko pang tanong. Maaga pa ahh, bakit susunduin niya agad yung mga bisita?


"Sa Centre City pa po kaya baka gabihin na din po sila sa pag-uwi." Muli niyang sagot at nagpatuloy sa pagpupunas ng mga alikabok.


Hindi nalang ako nagtanong dahil mukhang busy talaga ang mga tao dito sa bahay. Parang party para sa buong barangay ang mangyayari mamayang gabi.


Dahil wala naman akong ibang makausap ay nagtungo nalang ako sa kwarto ko para muling matulog ngunit pagpasok ko sa loob ay bumungad sa akin ang dalawang babae at isang malaking kahon na nakapatong sa kama ko.


"Sino kayo?" Galit na tanong ko na kinagulat nung dalawang babae.


"A-ako po si A-abby at siya naman po s-si Riza, mga make-up artist po k-kami." Nauutal na paliwanag nito.


"Oh tapos? Anong ginagawa niyo rito? At sa kwarto ko pa talaga kayo tumambay?" Inis na sabi ko kaya bumakas sa mukha nila ang takot.

Ayaw ko pa naman sa lahat e yung may pumapasok sa kwarto ko maliban kay Tanda.


"Sabi po kasi ni Mr. Prospero na d-dito na raw po kami mag-antay sa kwarto n-niyo po. K-kami po ang m-mag-aasikaso sa inyo para po sa p-party mamayang gabi." Takot na paliwanag nung Riza.


"Hindi ko kailangan ng tulong niyo, kaya ko mag-ayos para sa sarili ko kaya umalis na kayo." Sagot ko sa kanila at dumiretso sa kama ko. Binuhat ko yung malaking box at nilapag na muna sa mini couch sa dulong bahagi ng kwarto ko at bumalik sa kama upang mahiga at muling matulog.


"B-bilin po samin ni Mr. Prospero na dapat pong maging presentable kayo mamaya." Saad nung Abby. "Kung hindi daw po kayo susunod sa kaniya..." Hindi niya ipinagpatuloy ang sinabi niya lumingon muna sa kasama niyang si Riza.


"Dapat na ba akong matakot?" Sarkastikong tanong ko sa kanila.


"I-ca-cancel daw po niya yung enrollment niyo kung hindi daw po kayo susunod." Sa pagkakataong ito, si Riza na ang sumagot.

Tss! Kala naman niya ikinatakot ko--------

Fvck! Enrollment ba para sa pag-aaral ko yung tinutukoy nila?!

Wala akong ibang magagawa kundi ang sumunod sa nais ni Tanda.


"Oo na! Sige na! Papayag na ako." Napipilitan kong sagot at muling ipinikit ang aking mga mga mata upang makatulog na.


Altheria:Adventures Inside the Great WallWhere stories live. Discover now