CHAPTER 8

4 1 0
                                    

Ariella's POV


5 years ago...


"Pagkasinu-swerte ka nga naman oh!" Bulong ko sa sarili ko nang makasalubong ang grupo nina Gavrielle sa kanto nang pauwi na ako galing sa eskwela.


"Suppp manok na pula?!" Sarkastikong tanong sakin nitong tabachoy na si Gav.

"Wag ngayon Gav! Kailangan kong umuwi ng maaga." Walang gana kong sagot dahil kailangan ako ni mama sa bahay. Ambang aalis na sana ako ngunit agad niya akong tinulak na naging dahilan upang mapaupo ako sa lupa.


'T*ngina!!!!!'


"Nakakalimutan mo na ba yung atraso mo samin hah?!" Sigaw ni Gavriel sa tenga ko habang hatak hatak yung buhok ko.


"Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko sa kaniya at tinadyakan ko siya sa sikmura upang mapaatras siya at mabitawan ako.

Napahawak siya sa tiyan niya at namilipit siya sa sakit.


"Hawakan niyo!" Utos ni Gavriel sa mga kasama niya at agad akong nilapitan ngunit nanlaban ako.


Sinuntok ko sa panga yung isa at sinipa ko naman sa dibdib yung isa pang nagbalak na hawakan ako.

Mahigit lima na ang napapatumba ko pero sampu pa ang natitira isama mo pa si Gavriel na mukhang nakaraos na mula sa ginawa ko sa kaniya.


Sabay-sabay na sumugod yung mga natitira sa akin. Binalak kong muling manlaban ngunit nasuntok ako sa sikmura kaya agad akong nanghina at namilipit sa sakit.

Agad na hinawakan nung dalawa yung magkabilang kamay ko upang hindi na ako makapagpumiglas.


Lumapit sa akin si Gavriel at pinaulanan ako nang malakas na sampal sa kanang pisngi.

'Ansakit! T*ngina nito!' Mura ko sa aking isip.


"Ngayon, tuturuan kita ng leksyon para madala kang babae ka." Saad niya at hinawakan nang mahigpit ang panga ko.


Agad akong napapikit nang ambang sampalin niya ako ako ngunit wala akong naramdamang kamay na tumama sa aking pisngi.

Idinilat ko ang aking mga mata at nakita kong nakabulagta na sa sahig si Gavriel.


Bigla nalang din natumba yung lalaking may hawak ng kaliwang kamay ko nang matamaan siya ng ligaw na bato sa noo.

Sinundan ko ng tingin kung kanino nanggaling yung bato at nakita ko ang isang babae na may hawak na maliit na tirador at muling pinusisyon ito upang itira at tumama naman ito sa isa pang lalaking may hawak ng kabilang kamay ko na naging dahilan upang makawala ako at agad na tumakbo sa pwesto nung babae.


Inihanda ko ang aking katawan upang makipaglaban sapagkat mas naging alerto ang mga natirang grupo ni Gavriel.


"Magpahinga ka na muna. Ako na bahala sa kanila." Biglang sabi nung babae.

"Hindi kaya ko pa." Pagsisinungaling ko kahit na hirap na akong tumayo.

"Ako na ang lalaban." May babalang sabi niya at sumugod sa mga natirang utusan ni Gav.


Altheria:Adventures Inside the Great WallWhere stories live. Discover now