CHAPTER 4

12 1 0
                                    

Caileigh's POV



Lintek na buhay naman to ohh! Hindi pa ako nakakatapak sa bayan ng Alynthia kaya hindi ko pa kabisado ang mga pasikot-sikot doon.



Binubuo ng tatlong malalaking bayan ang Altheria:ang Alynthia,Therondia at ang Zariya.

Ang bayan ng Alynthia ay ang lugar kung saan nakatira ang mga Royal Bloods at ang tunay na tahanan ni Tandang Prospero kaya bihira lang siyang magawi at bumisito dito sa bayan ng Therondia atsaka may trabaho siya doon na hanggang ngayon ay hindi ko alam. Doon madalas nakatira ang mga taong matataas ang posisyon sa pamahalaan.

Kahit hindi pa man ako nakakapunta sa bayan ng Alynthia,alam ko nang matatapobre at mayayabang ang mga taong nakatira doon dahil sa pag-uugaling ipinapakita nila sa tuwing bumibisita sila sa ibat-ibang bayan isang beses sa isang buwan. Wala silang ibang ginawa kundi magwaldas ng pera na parang wala ng bukas. Hindi nila iniisip na may ibang nilalang na nagkakandarapa para lang may makain.

Dito naman sa bayan ng Therondia kung saan ako naglalagi ay matatagpuan ang mga Middle Class o yung mga taong hindi kasing-yaman ng mga Royal Bloods pero hindi naman kasing-hirap ng mga taga- Zariya. May mga posisyon sa pamahalaan ngunit hindi kasing-taas ng mga Royal Bloods.

Ngunit para sa akin,sa bayan ng Zariya naman talaga ako nabibilang,kung saan kami dating nakatira at palaboy-laboy ni mama. Ang lugar kung saan ako madalas tumatambay at nagpapalipas ng oras. Mas kabisado ko ang ang bawat sulok ng bayan na ito. Hindi mayayaman at walang posisyon sa pamahalaan ang mga nakatira doon, hindi katulad ng dalawang bayan. Mahirap ang pamumuhay at hindi maayos dahil madalas doon nangyayari ang mga iligal na bagay.



Hayyst! Mukhang wala na talaga akong magagawa,kailangan kong mamalengke bukas dahil may mga bisita daw si Tandang Prospero. Akala ko pa naman matatagalan siya sa pag-uwi!


Imbis na makipagtalo sa tagasilbi,mas pinili ko nalang umalis at magtungo sa sentro ng bayan kung saan matatagpuan ang cafe na pagmamay-ari ni Tanda at ang mga magagandang pasyalan at pamilihan.


Sumakay ako ng train dahil wala naman akong sasakyan. Iniiwan ni Tanda ang isa niyang sasakyan dito ngunit hindi ko naman ginagamit iyon dahil hindi ko naman pagmamay-ari.




Pagkababa ko sa train station,batid ko na ang pagdagsa ng maraming tao.


Hayyst bakit ko ba nakalimutan! Ngayon ang araw na pwedeng maglabas-masok ang bawat-isa sa mga karatig na bayan. Kaya sigurado akong maraming napadpad na mga taga- Alynthia at Zariya dito.

Habang naglalakad ako sa sentro ng bayan,batid mo na sa pananamit pa lang kung sino ang mga Royal Bloods,mga Middle Class at ang mga Zarians.

Makikita mo rin ang matatalim na titig ng mga taga-Alynthia sa mga Zarians. Mga titig na nakapanliliit na parang nakakita sila ng napakuruming putik.

Sanay na akong makakita ng ganitong eksena. Iyan ang kinaaayawan ko sa kanila,para sa kanila napakababa ng mga taga-Zariya at madalas nila itong iniinsulto.

Walang kwentang sistema ng Altheria! Ipinagbukod-bukod ang bawat-isa ayon sa estado ng buhay! Kaya hindi pantay ang tingin ng mga taga-Alynthia maging ang ibang mga taga Therondia sa mga Zarians!

Hindi ko nalang iyon pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Kailangan ako sa cafe dahil maraming turista at mamimili ngayong araw.



Nang makarating ako sa cafe,hindi nga ako nagkamali,punong puno ang loob maging sa labas. Nagmadali akong nagtungo sa staff room para itabi ang gamit ko. Agad naman akong binungad ni Ariella,kaibigan at kasamahan ko sa trabaho.

Altheria:Adventures Inside the Great WallDonde viven las historias. Descúbrelo ahora