CHAPTER 16

4 0 0
                                    

Caileigh's POV


"Mama, ba't po ganun? Yung mga bata po doon sa kanto po nagkakaroon ng marka sa mga noo nila?" Kuryosong tanong ko kay mama.


"Ibig sabihin lang nun na nagising na ang kapangyarihan nila." Agarang paliwanag niya na tinanguan ko naman.


"Pero bakit wala pa po 'yong akin?" Muli kong tanong.


"Wag kang mag-alala, lalabas din 'yang kapangyarihan mo." Saka marahang hinaplos ang aking buhok at muling ipinagpatuloy ang pamumulot ng mga patapon nang mga armas na binibenta namin sa mga junk shop.


"Pero mama, pitong taon na po ako pero wala pa ring lumalabas. Sabi po ng guro namin karaniwan pong lumalabas ang marka pag tumungtong na po sa limang taon. Dalawang taon na po akong nag-aantay pero wala pa rin." Malungkot kong saad na bahagyang ikinatigil ni mama at tumitig sa akin. "Paano po kung wala talaga akong kapangyarihan?" Dugtong ko pa.


Saglit pa siyang tumitig sa akin ngunit di kalaunan ay ngumiti at muling hinaplos ang buhok ko. "Ikaw ang tatanungin ko, paano kung wala ka ngang kapangyarihan?" Balik niyang tanong sa akin.


Bahagya akong yumuko at napaisip. "W-wala po akong k-kwenta." Utal kong sagot sapagkat nagbabadya na ang mga luha sa aking mga mata.


Hiniwakan ni mama ang baba ko at iniangat. "Caileigh, lahat ng nilalang ay may halaga, may kapangyarihan ka man o wala." Saad niya at muli akong nginitian. "Wala rin akong kapangyarihan, ibig sabihin ba noon wala na akong kwenta?"


Mabilis akong umiling sa tanong ni mama. "Hindi po!"


Bahagyang tumawa si mama at ginulo ang buhok ko.







Nagising ako mula sa napanaginipang isa sa mga alala-ala ni mama. Nang imulat ko ang mata ko ay bumungad sa akin ang isang hindi pamilyar na silid.


Nahagip ng aking mga mata ang pigura ni Tandang Prospero na prenteng nakaupo at mariing nakatitig sa akin ngunit mababakas sa kaniyang mga mata ang matinding pag-aalala.


Marahan siyang tumayo habang pinang-aalalay ang kaniyang tungkod at dumiretso sa gawi ko.


"Kumusta ang pakiramdam mo?" Bungad na tanong niya sa akin.


"A-ayos lang." Hindi pa ako makatingin sa kaniya ng diretso, nakikita ko kasi ang galit sa mga mata niya, baka mamaya hampasin na naman niya ako ng tungkod niya.


"Buti buhay ka pa." Binalingan ko siya ng mga matatalim na tingin. Kakagising ko lang, ganiyan na agad ang ibubungad niya sa akin.


Hindi ko nalang ginantihan ang mga sinabi niya, sa halip ay inalala ko nalang ang mga huling nangyari bago ako nawalan ng malay.


Wala akong gaanong matandaan, sumasakit lang ang ulo ko sa tuwing pinipilit kong alalahanin. Basta isa lang ang inaalala ko...

Si Katarina...


Agad akong bumaling kay Tanda. "S-si Katarina?" Kinakabahan kong tanong sa kaniya. Hindi siya sumagot kaya muli kong sinundan ito ng tanong. "Nasaan siya?"


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 01, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Altheria:Adventures Inside the Great WallWhere stories live. Discover now