CHAPTER 2

15 1 0
                                    

Chapter 2

Caileigh's POV

Akala ko sapat na ang kakayahan ko upang maging sorcerer ngunit marami pa pala akong dapat pagdaanan.

Akala ko sapat na ang natutunan ko mula kay Tandang Prospero. Maraming taon ang ginugol ko upang magsanay sa pakikipaglaban sa tulong ni Tanda.


"Tanda,kulang pa ba ang kakayahan ko sa pakikipaglaban,kailangan ko pa ba talagang mag-aral?" Muli kong tanong sa kaniya. Hindi naman sa ayaw kong mag-aral pero maraming taon na akong naghintay para lang maging sorcerer.


"Magaling ka na sa pakikipaglaban pero may isang bagay ka pang hindi nagagawa." Sagot niya at muling sumimsim sa kape.


Ano pa bang kulang ko?!


"Wala naman ako natatandaan na may kailangan pa akong gawin. Diba sabi mo ang pakikipaglaban ang pinaka kailangan upang maging sorcerer?" Muli kong tanong sa kaniya dahil hindi ko na maintindihan ang mga kakulangan ko.


"Sinanay kitang makipaglaban sa loob ng labinglimang taon at masasabi kong malakas ka na..." Hayyst kainis,alam ko ko naman yun! "Pambihira ang lakas na taglay mo kumpara sa iba. Hindi ka talaga malalayo sa mga Royal Bloods na katulad ko." Pagpapatuloy niya. "Kaya hanggang ngayon,labis akong nagtataka kung saan ka talaga nagmula." Nagtataka niyang sabi at seryosong tumingin sa akin.


Matagal na siyang nagtatanong sa akin kung saan ako galing dahil nagtataka siya sa pambihira kong lakas. Ang sabi niya sa akin dati,mga Royal Bloods lamang ang nagtataglay ng ganoong lakas. "Matagal ko ng sinabi sa iyo na hindi ko rin alam kung saan ako nagmula. Wala rin akong maalala nung gabing natagpuan mo ako." Pagsisinungaling ko. Hindi niya maaring malaman ang sikreto ko kahit pinagkakatiwalaan ko siya dahil iyon ang pinakamaghigpit na bilin ni mama sa akin.


Marahil hanggang ngayon,nagtataka pa rin siya kung saan ako nagmula. Maging ako kaunti lang din ang ideya ko sa tunay kong pamilya dahil malabo na rin ang memorya ko nung ako'y bata pa. Hindi ko na nga rin lubos maalala ang mukha ni mama. Basta ang alam ko lang ay isa akong Relish at walang maaaring makaalam nun maging si Tandang Prospero.


"Kung ganun,aalis na ako." Sabi niya at tumayo kasama ng kaniyang tungkod at inayos ang kaniyang nagusot na damit dahil sa pagkakaupo.


"Teka aalis ka ulit?! Saan ka naman pupunta ngayon?" Tanong ko at tumayo na rin mula sa pagkakaupo. Kakauwi pa lang niya,aalis agad siya. Ano?! Takam na takam sa babae?!


"May dadalawin lang ako." Matipid niyang sagot at tumalikod na sa akin. Ngunit bago pa man siya maka hakbang muli akong nagsalita.


"Sandali! Sabi mo may hindi pa ako nagagawa? Ano pang kulang  sa akin?" Pahabol kong tanong. At muli siyang humarap sa akin.


"Marceline,marami ka pang hindi nalalaman dito sa Altheria. Puno ng sikreto at misteryo ang lugar na ito. Kung gusto mong mas lumawak ang kaalaman mo tungkol sa Altheria,mag-aral ka." Paliwanag niya.


"Pero-"


"Wala ng pero pero. Aasikasuhin ko na ang mga kailangan sa pag-aaral mo kaya matagal-tagal ulit akong mawawala." Putol niya sa sasabihin ko.


"Sus! Kunware ka pang mag-aasikaso tungkol sa pag-aaral ko,puro babae lang naman ang inaatupag mo." Sabi ko at saka humalukipkip. Agad niyang akong nilapitan at hinampas muli ng kaniyang tungkod. "Arayyyy!!!" Reklamo habang hinihimas-himas muli yung parte ng ulo kong hinampas niya. Hayyst kung hindi lang malaki ang utang na loob ko dito sa matandang to baka kanina ko pa siya pinatumba.


"Gawin mo kung anong gusto mo habang wala ako. Hindi naman kita mapipigilang tumakas. Palagi mo nalang tinatakot yung mga tagasilbi para lang makatakas ka!" Sigaw niya sa akin.


"Hindi ko naman sila tinatakot." Pagkokontra ko.


"Ah talaga ba?! Kaya pala halos nanginginig yung mga tagasilbi sa tuwing nagsusumbong sila sa akin kung paano mo sila tinatakot." Galit na galit niyang sabi at muli sana akong hahampasin ng tungkod niya ngunit agad na akong umiwas. Sakit na kaya ng ulo ko!!! Tss! Lagot sakin yung mga tagasilbi na yun!


"Tss! Nagpapatakot naman sila sa akin. Mukha ba akong nakakatakot sa ganda kong to?!" Sabi ko na may kasamang pag-irap.


"Kabaligtaran ng napakaamo mong mukha yang ugali mo!" Awwts!!! Ang harsh naman nito ni Tanda sa akin.


"Grabe ka naman sakin! Ang lambing lambing mo pagdating sa mga babae mo pero pagdating sakin parang dinaig ko pa yung mga tagasilbi sa pagtrato mo sakin eh!" Pagrereklamo ko. Pero sanay naman na ako sa pagiging ganun niya kaya sinasakyan ko nalang.


"Arte mo! Pasalamat ka nalang at pinapalamon kita! Ang lakas lakas mo kaya kumain!" Wow naman! Galing manumbat! Kung pwede ko lang isuka yung mga pinakain niya sa akin matagal ko ng ginawa!


"Sus kala mo naman masasarap yung mga pagkain niyo dito!" Pagsisinungaling ko dahil sa totoo lang,wala ng tatalo sa mga pagkain dito sa bahay ni Tanda.


"Ahh ganun?!!! Edi lumayas ka! Tignan natin kung may mahanap ka pang mas masarap na pagkain bukod dito!" Sigaw niya sa akin habang dinuduro-duro ako.


"Luh! Wag naman ganyan Tanda..." Nakakatawang pagmasdan kung paano mapikon si Tanda HAHAHAHHA! Tss! Pikonin!


Tatalikod na sana si Tanda upang umalis ngunit muli siyang humarap sa akin at sinabing "Caileigh Marceline Prospero... yan ang magiging pangalan mo pagpasok mo sa Inflinix Academy." Wait! Tama ba yung narinig ko? Gagamitin ko ang apilyido na Prospero?! "Gagamitin mo ang apilyido ko at walang maaring makaalam na ampon lang kita. Papasok ka doon bilang anak ng pinakamakisig at gwapo'ng si Marcelo Prospero." Hayyst talagang napakayabang nitong matandang to!



Pero mas kinagulat ko yung sinabi niya. Papasok ako sa--teka! Inflinix Academy?! parang narinig ko na yun pero diko lang matandaan kung saan at kailan at ang mas nakakagulat papasok ako doon bilang anak ni Tanda!


"Teka lang! Bakit kailangan pang magpanggap ako na anak mo para lang makapasok sa Inflinix Academy na yan?!" Walang ideya kong tanong.


"Upang hindi sila maghinala sa kakayahan mo! Kakaiba ang lakas na taglay mo na tanging makikita lamang sa mga katulad kong Royal Blood kaya kailangan mong magpanggap na anak ko." Paliwanag niya.

Maghinala?! Pakialam ba nila sa kakayahan ko?! Eh sa malakas ako eh,wala silang magagawa!


"Eh ano naman kung-" Agad na pinutol ni Tanda ang sasabihin ko.


"Hayyy naku! Ang dami mong tanong! Sundin mo nalang kung anong sinabi ko kung gusto mong makapag-aral ng mapayapa!" Putol niya sa sasabihin ko.


Eh ayaw ko naman talagang mag-aral eh! Kung hindi lang dahil sa sorcerer hindi talaga ako mag-aaksaya ng panahon sa pag-aaral na iyan eh!


Eh ano na mang kinalaman kung malaman nila na malakas ako kahit wala akong dugong Royal Blood?! Parang big deal naman sa kanila yun! Hayyst minsan talaga di ko maintindihan yung mga pinagsasabi ni Tanda! Siguro ganun talaga kapag matanda na,mahirap na kausap!


"Eh kelan na-" Hindi ko muli naituloy ang sasabihin ko dahil pagharap ko sa pwesto ni Tanda ay wala na siya.


Hayyst! Kahit kelan talaga yung matandang yun,sobrang mainipin! Hindi makapag-intay sa mga babae! Pero ang sabi niya kanina may dadalawin siya? Palagi namang may dinadalaw na babae yun eh. At ang sabi niya rin kanina aasikasuhin niya rin yung mga kailangan tungkol sa pag-aaral ko. Kung ganun.... Matagal tagal siyang mawawala! Yessss!!!












Don't forget to Vote and Comment:)

Altheria:Adventures Inside the Great WallWhere stories live. Discover now