CHAPTER 10

5 1 0
                                    

Caileigh's POV

Heto ako ngayon nasa sala ng bahay nina Ariella at pinababayaan siyang sermonan ako samantalang si Finrod naman ay narito sa tabi ko at may mga bandage ang katawan mula sa mga natamo niyang pasa at sugat sa laban kanina.

"Akala talaga namin nahuli ka na sa raid! Wala akong pantubos sayo kapag nahuli kang babae ka!" Sigaw ni Ariella habang pabalik-balik na naglalakad sa harapan namin ni Finrod.

"Nasaan nga pala si Tita Mathilda?" Tanong ko patungkol sa ina ni Ariella.

"Parang wala lang sa iyo ang mga pag-aalala namin ahh." Mas lalong nag-alab sa galit na saad ni Ariella.

"Ang dami mo kasing dada. Dapat nga matuwa ka pa kasi wala namang nangyaring masama sa akin." Sagot ko sa kaniya at tinarayan pa siya.

"Eh paano nga kung mayroong nangyari sayo?" Paulit-ulit na tanong ni Caileigh. Hayyst! Nakakarindi na!

"Anong nangyari kay Caileigh?" Napalingon kami mula sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Tita Mathilda na kakapasok lang sa pintuan habang bitbit ang isang malaking bilao na walang laman, mukhang kakagaling lang nito mula sa paglalako ng mga kakanin na binebenta niya at mukhang narinig nito ang malakas na pagsigaw ni Ariella.

Sino ba namang hindi makakarinig eh daig pa ng tilaok ng manok ang boses nito! Lalo pa't kahoy lang ang dingding ng bahay nila kaya't tagus-tagusan ang boses niya.

Agad na naghuramintado si Ariella at naghanap ng maidadahilan. Tinatago rin kasi ni Ariella sa nanay niya na naglalaro siya sa Black Arena para makapag-ipon siya sa pag-aaral niya.

"Wala po iyon, tita. Muntik na po kasi akong masagasaan kanina, ito naman pong anak niyo, O.A kung maka-react." Palusot ko kay Tita Mathilda.

"Ah ganun ba? Sa susunod kasi mag-ingat ka para hindi ka na pinapagalitan nitong si Ariella." Nakangiting saad niya at dumiretso na sa lamesa upang ilapag ang mga binili niya.

"Hi po Tita!" Masiglang bati ni Finrod.

"Oh Finrod, nandiyan ka pala. Ano naman ang nangyari sayo? Mukhang ikaw ang nasagasaan ahh." Nag-aalalang saad niya at lumapit sa amin.

"Wala po ito. Nadapa lang po habang tumatakbo ako papunta rito."  Nakangiting paliwanag ni Finrod upang maibsan ang pag-aalala ni Tita Mathilda.

"Grabe naman yang natamo mo kung nadapa ka lang." Halata sa boses ni Tita na hindi siya kumbinsido sa dahilan ni Finrod. "Baka gumawa na naman kayong tatlo ng kalokohan ahh." Matalim ang mga matang saad ni Tita at tinignan kami isa-isa.

"H-hindi ma! Hindi lang kasi nag-iingat yang dalawang yan kaya lapitin ng disgrasya." Pagdadahilan ni Ariella.

"Siguraduhin niya lang ahh. Naku, kapag talagang nalaman ko na gumagawa na naman kayo ng kabalastugan, pagbubuhulin ko kayong tatlo." Babala ni Tita Mathilda. "Kumain na nga lang tayo, buti nalang marami akong nabiling pancit kaya dito na kayo maghapunan, Caileigh at Finrod." Sabi pa ni Tita at naghanda na ng mga pinggan sa lamesa nila.

Napakabait ng nanay ni Ariella, hindi iba ang turing niya sa amin. Mahirap lang sila at siya lang ang nag-iisang bumubuhay kay Ariella dahil patay na ang asawa nito. Ang kwento nito ay namatay daw ito noon sa isang digmaan.

Umupo na kami sa hapag-kainan at nagsimula ng kumain.

"Kumusta ang trabaho sa café?" Panimulang tanong ni Tita at sumubo ng pagkain.

Altheria:Adventures Inside the Great WallDove le storie prendono vita. Scoprilo ora