CHAPTER 6

6 1 0
                                    

Caileigh's POV


Ang Black Arena ay ang lugar kung saan nagaganap ang isang iligal na laro. Kilala ito hindi lang sa Zariya kundi sa buong Altheria dahil sa paglabag nito sa mga primary rules ng pamahalaan.

Ito lamang ang tanging lugar sa buong Altheria na maaari mong magamit ang kapangyarihang taglay mo upang makipaglaban sa mga kapwa mo may kapangyarihan din. Maaari mong bugbugin o lumpuhin ang kalaban mo at ang mas malalala maaari mo rin silang paslangin depende sa iyong desisyon.

At kapag ikaw ang nanalo, malaking gantimpala ang igagawad sa iyo, maaaring pera o ari-arian, depende sa napagkasunduang premyo o taya ng mga manunuod. Malaki ang magiging premyo kung sa tingin ng mga manonood ay magiging maganda ang laban. Ang mga kadalasang tumataya dito ay yung mga VIP o yung mga manonood na taga Alynthia at Therondia dahil sila lang naman ang may pera upang magpremyo ng malaking halaga.

Binabalot ng isang makapangyarihang spell ang buong Altheria kung saan ito ang pumipigil sa mga nilalang na gumamit ng kanilang kapangyarihan ngunit ang Metro Street lamang at ang Black Arena ang tanging lugar na hindi tinatablan ng spell dahil ito ay may  proteksyon mula sa taong hindi kilalang nilalang na nagtayo at nagtaguyod ng lugar na ito.

Iligal ito sapagkat ipinagbabawal ng pamahalaan ng Altheria na pumaslang at gumamit ng kapangyarihan ang mga mamamayan. Ang mga opisyal lamang ng pamahalaan ang tanging may karapatang gumamit ng sarili nilang kapangyarihan upang maiwasan ang kaguluhan.

Matagal nang tinutugis at ipinapasara ng pamahalaan ang Black Arena dahil sa mga paglabag nito ngunit kahit anong raid ang gawin nila ay patuloy pa rin ito sa pagtakbo dahil makapangyarihan ang nagmamay-ari ng Metro Street.

Sa tuwing nagkakaroon ng biglaang raid ay kailangang makatakas agad upang hindi ka mahuli ng mga pulis dahil napakalaking parusa ang igagawad sayo ng pamahalaan kapag nahuli ka kaya labis na lamang ang pag-iingat namin ni Ariella.







Papasok na sana ako sa loob ng Arena nang marinig ko ang boses ni Finrod na nagpupumiglas sa dalawang tagapagbantay.

"Papasukin niyo nga ako! Kasama nga ako ng dalawang yan! Hindi niyo ba ako nakikilala hah?!" Sigaw ni Finrod habang pilit na kumakawala sa malakas na pagkakahawak sa kaniya nung mga tagapagbantay.


Napailing nalang ako at pumunta sa pwesto nila. Agad kong tinanggal ang pagakakahawak ng kamay nung dalawang tagapagbantay sa mga braso ni Finrod at hinatak siya sa gawi ko.


"Oh diba! Sabi ko sa inyo kasama ko ito eh." Mayabang na sabi ni Finrod at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko.


"Patawad po, Black Lady. Akala ko po kasi hindi niyo siya kasama kaya hindi ko agad siya pinapasok." Pagpapaumanhin nung isang tagapagbantay.


Hindi ko nalang sila pinansin at pumasok nalang sa loob ng Arena upang hanapin ang paborito kong upaan habang hatak ang kamay ni Finrod. Nakasunod lang samin si Ariella.

"Mukha ka kasing aso kaya inakala nila na hindi ka namin kasama." Pang-aasar ni Ariella kay Finrod at sumabay na sa paglalakad ko.


"Matagal na kasi akong hindi naglalaro kaya hindi na ako kilala nung mga yon. Isa kaya ako sa mga magaling na manlalaro dito noh!" Pagpapaliwanag ni Finrod at feel na feel yung paghawak ko sa kamay niya kaya agad ko iyong binitawan.


"Gurang kana kasi kaya hindi kana makalaro." Pang-aasar uli ni Ariella.


"Ikaw nga mukha kang manok diyan sa kulay pula mong buhok!" Balik na pang-aasar ni Finrod.


Altheria:Adventures Inside the Great WallWhere stories live. Discover now