CHAPTER 3

11 1 0
                                    

Caileigh's POV


Nagising ako sa isang di pamilyar na kwarto.

Agad akong bumangon ngunit may humawak sa aking magkabilang balikat upang pigilan ako mula sa pagbangon.

"Huwag ka munang bumangon. Malubha ang tinamo mong kuryente mula sa barrier ng The Great Wall." Sabi ng isang lalaki,mukhang siya ang pumigil sa akin mula sa pagbangon.

Ngunit hindi ko siya pinakinggan at muling nagbalak bumangon pero hindi pa man ako nakakatayo ay agad akong bumagsak sa kama dahil sa labis na pananakit ng buong katawan.

"Hayyy ang kulit kasi! Sinabi nang huwag na munang bumangon eh,tigas ng bungo!" Sabi niya ngunit hindi ko siya pinansin at muling pumukit.

'Teka?! Nasaan ba ako?!Ano bang ginagawa ko dito?! Paano ako napunta dito?!' Tanong ko sa aking isipan.

'Ang huli ko lang natatandaan ay yung pagpasasok ni mama doon sa napakadilim na pinto. Teka?! Nasaan si mama?! Totoo bang umalis siya?! Akala ko panaginip lang iyon!' Pinigilan ko ang nagbabadyang luha sa aking mga mata.

"Hoy tanda! Ano bang ginagawa ko dito?! Paano ako napunta dito?! At sino ka?!" Sunod sunod kong tanong doon sa lalaki na agad namang ikinabigla niya at di kalaunan ay nainis.

"Anong sabi mong pulube ka hah?! Ako?! Matanda?! Ako lang naman ang tanyag na si Marcelo Prospero!" Sigaw niya sa akin at inambahan ako nung tungkod niya kaya agad kong isinalag ang aking mga kamay at nag-antay ng tungkod na tatama sa akin ngunit wala! Nag-angat ako ng tingin at nakita ko siyang nagpipigil ng inis.

"Anong pangalan mo?" Mahinahong tanong niya na mukhang humupa na ang inis na nararamdaman kanina.

'Dapat ko bang sabihin sa kaniya ang pangalan ko?'

"C-cai...caileigh." Nauutal kong sabi.

Altheria:Adventures Inside the Great WallWhere stories live. Discover now