CHAPTER 5

8 1 0
                                    

Caileigh's POV



Mahigit isang buwan din simula nang makabisita ako sa bayan ng Zariya.

Wahhh namiss ko nang magpunta doon!


"Caileigh paano kapag naabutan tayo ng raid?" Biglaang tanong sa akin ni Ariella habang nakasakay kami sa train papunta sa Zariya.


"Edi takas agad." Maikli kong sagot.


"Wahhh ayoko mahuli noh! Nag-iipon ako para sa pag-aaral ko." Natataranta niyang sabi.


"Huwag ka ngang OA! Kailan ba tayo nahuli?" Tugon ko.


"Syempre natatakot pa rin ako noh! Iligal kaya itong ginagawa natin saka alam mo naman na sakin lang umaasa yung pamilya ko." Pagda-drama niya habang sumisinghot-singhot pa na kunwari umiiyak.


"Huwag ka mag-alala, di naman kita pababayaan na mahuli." Pagpapagaan ko ng loob niya.


"Yieee love na love mo talaga ako noh." Panunukso niya sa akin habang tinutusok-tusok yung tagiliran ko.


"Ewww! Kabahan ka nga sa mga pinagsasabi mo."


"Ito naman! Minsan lang maglambing sa iyo eh." Pagtatampo niya.


Nang bumukas ang pintuan ng train ay agad kaming bumaba sa train station.


Hayyst! Namiss kita Zariya!


Sa tatlong bayan sa Altheria, sa Zariya lang naman ang mas gusto kong puntahan at ang tangi kong tahanan. Kahit hindi kasing gara ng mga bahay sa Alynthia at Therondia ang bayan ng Zariya, madalas naman dito ang mga pagtatanghal at makukulay na ilaw,makakakita ka rin ng mga street foods na hindi mo makikita sa dalawang bayan.


"Uyyy tara na! Kulang nalang halikan mo na yung lupa dahil sobrang namiss mo yung bayan ng Zariya." Si Ariella habang hinihila ako sa braso.


Tsk! Panira ng moment.


Nagpatianod nalang ako sa paghila niya sa akin ngunit napahinto ako nang madaanan namin yung paborito kong kainan kaya napahinto rin si Ariella.


"Uyy ano?! Tara na! Mag s-start na yung game." Sabi ni Ariella at muling hinila ang mga braso ko ngunit hindi naman ako nagpahila.


"Kain muna tayo." Walang pasubali kong sabi habang nasa kainan pa rin ang tingin.


"Naku naman! Pagkain ka na naman!" Bulyaw niya sa akin ngunit hindi ko siya pinansin sa halip ay nagtungo sa karenderya.


"Oh Cai! Bat ngayon ka lang nakabisita?" Bungad na tanong sa akin  ni Finrod, yung balbas-saradong may-ari nitong karenderya.

Mas matanda sa amin si Finrod ng ilang taon kaya para na namin siyang kuya. May itsura siya at makisig ang pangangatawan kaya hindi kataka-takang maraming nahuhumaling sa kaniya.

Sa mura niyang edad,nakapagpatayo na agad siya ng sarili niyang kainan at mabenta ito sa buong Zariya. Mayaman siya pero mas gusto niyang manirahan dito sa Zariya kesa sa Therondia.


"Maraming utos si tanda." Maikli kong sagot sa tanong niya at umupo sa isang bakanteng lamesa.


Natawa naman siya sa sinabi ko.


Iritable namang umupo sa katapat kong upuan si Ariella.


"Patay gutom ampucha!" Sabi niya at tinarayan pa ako.


Altheria:Adventures Inside the Great WallWhere stories live. Discover now