MS. 6

13 5 0
                                    

Joy🦋

"So this is your home," Grant started. Seryoso niyang pinaraanan ng tingin ang kabuan ng bahay ko. He put his hand on his hips then turned at me.

"Bakit ang lungkot ng bahay?" he added which I almost laugh out loud. Bakit niya nasabing malungkot ang bahay ko?

Namamangha akong tumawa.

"Nakakatawa ka," naiiling kong sagot. Naglakad ako papunta sa maliit na gate ng aking bahay. Kinuha ko ang susi at ipinasok iyon sa kandado. Nang mabuksan ay lumingon ako sa kanya at tipid na ngumiti.

"Oh ayan. Ito ang bahay ko," usal ko.

Kanina ay nagpumilit siya na ihatid ako sa aking bahay. Matigas akong tumanggi sa alok niya. Batid kong hindi naman siya delikadong tao kagaya ni Mr. An ngunit hindi ako madaling magtiwala sa tao lalo na sa bagong kakilala ko lang. Pumayag nga ako sa inaalok niyang trabaho pero hindi ibig sabihin ay may tiwala na ako sa kanya para sumama sa kanya ng kami lang dalawa.

He insisted me, kinulit niya ako nang kinulit. Nangatwiran pa siya na kailangan niyang malaman kung saan ako nakatira dahil susunduin niya raw ako bukas para sa unang araw ko bilang assistant niya.

I told to him that there is no need for doing that dahil may sariling paa at isip naman ako para puntahan ang lugar niya. He laughed as if that was just a joke. Madiplomasya siyang pinilit ako na sumakay na sa kotse niya. Ilang minuto kaya kami nakatayo roon sa parking lot. Matigas ang ulo niya at sinabi pang hindi siya aalis kung hindi ako sasama.

On the second thought, ngayong araw sana ang sweldo ko sa resto-bar. I don't have extra money dahil umaasa akong mabibigyan ako ng sweldo at doon ako kukuha ng pamasahe ko. And because of what happend earlier. Walang laman ang bulsa ko.

At the end of our discussion, pumayag ako which made him happy.

"Ahm. I see," nag aalinlangang siyang tumango at tinignan ako nang may pagdududa. Ilang secondo lang ang tinagal ng mga mata niya sa mukha ko bago dumapo iyon sa gilid ko kung saan nakalagay ang mailbox.

His forehead creased and put his hand under his pocket as he walked toward me.

"What was that?"

I instantly glance at the mailbox. Bahagya pang nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang puting sobre na nakalagay doon. Balak niyang kuhanin ang puting sobre pero mabilis ko siyang naunahan. Sinundan niya pa ng tingin ang kamay ko nang inilagay ko iyon sa likod.

"Ehem!"

Pagkuha ko ng atensyon sa kanya. He looked at me with his warily eyes.

He seemed wanted to asked me but before he could utter. I extended my hand at his infront.

"I know it's kind of funny at sobrang late na. But anyway, ako nga pala si Mary Joy Sarmiento, you can call me Joy. Though hindi naging maganda ang una natin pagkikita at nong mga sumunod. Nice to meet you pa rin."

He gave me a soft laugh. He partly shook his head with his sweet smile.

"I already know you, Joy pero sige. Ako nga pala si Grant. Its nice to see you."

Tinanggap niya ang kamay ko. May kung anong kiliti ang pumukaw sa aking damdamin at wari'y pinabilis nito ang tibok ng aking puso. I could feel the softness of his hand. He gently shook our hands and we both gave a smile.

Pakiramdam ko ay nanginig bigla ang kamay ko nang humiwalay iyon sa kamay niya. Mabilis kong itinago ang kamay ko sa likod. He then stared at my face.

"You know what, you really look familiar to me. Did we saw each other before? Like 5 years ago? 6?" he asked then he pouted at halatang nag iisip.

Magic ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon