MS. 10

5 1 0
                                    


JOY🦋

Ipinikit ko nang mariin ang mga mata ko at pilit na isinasawalang bahala ang mga bagay na pumapasok sa utak ko. Nakahiga na ako sa aking kama. Limang oras na ang nakakalipas nang mahiga ako ngunit hanggang ngayon ay hindi pa ako dinadalaw ng antok. Malalim na ang gabi. Sa tingin ko ay pasado alas tres ng madaling araw.

Napakarami bagay ang patuloy na bumabagabag at nagdudulot ng kalungkutan sa aking puso.

I wasn't sure how can I stop this. At hindi ko rin alam kung bakit sa t'wing matutulog na ako ay siya ko naman mararamdaman ang mga iyon.

Loneliness doesn't kill, but sometimes I wish it did.

I'm slowly giving up.

I'm tired and hurt. I missed them so much. Hinahanap ko pa rin ang masasarap na luto ni mama lalo na ang pansit. Gustong gusto ko muli marinig ang tawa ni papa sa tuwing napipikon ako dahil sa pang aasar niya.

It's weird how the happiest memories drive you to tears. Maybe because it will never be happen again.

Anim na taon na ang nakakalipas ngunit pakiramdam ko ay sariwa pa rin sa akin ang lahat.

Habang pinagmamasdan ko ang mga kaluluwang pakalat kalat sa daan at kung saan kanina. Hindi ko maiwasang malungkot at maghinayang. Kung noon pa sana nabukasan ang third eye ko ay nakita ko pa sana at nakausap sina mama at papa kahit sa huling sandali.

Naramdaman ko ang mainit na likodo dumaloy pababa sa pesngi ko. Pinunas ko iyon gamit ang aking dalawang kamay. Dumilat ang mata saka mapait na ngumiti sa kawalan.

This the only things I can do. Fake your smile and tell yourself that you're fine.

The hardest part in life is trying to show the smile you know is fake and to hide the tears that won't stop.

Upang matuon sa ibang bagay ang isipan ay nagtungo ako sa sala. Hindi ko na binuksan ang ilaw at nahiga ako sa sofa. Tahimik lang ako nag obserba sa paligid at niyakap ang sarili.

Wala nang gumugulo kaluluwa sa akin. Kanina bago umalis si Black ay nagtaka ako nang ihipan niya ang mga mata ko. I was confused that time at hindi ko rin alam kung bakit niya iyon ginawa.

Napagtanto ko nalang na isinara niya ang third eye ko dahil wala na akong nakitang kaluluwa. Nagpasalamat ako ngunit wala siyang salita isinukli kahit man lang isang ngiti ay hindi niya ibinigay sa akin.

Bago siya lumisan. May sinabi siya sa akin o mas sabihin kong binalaan niya ako.

"Inuulit ko. Huwag ka na muli magpapakita sa kanya. Layuan mo na si Grant. Maliwanag?"

Hanggang ngayon ay naka rehistro pa rin sa utak ko ang sinabi niya kanina. Bukod sa nagbabanta niyang litanya. Mas kakaiba sa akin ang ekspresyon ng mukha niya habang sinasabi niya iyon at nakatingin sa akin.

Pansin kong pilit niya lang akong tinititigan at habang tumatagal ang titig niya ay bigla iyon nagbabago.

Nagbabago patungo sa kalungkutan. Hindi ko alam. At hindi ko rin alam kung bakit pinapalayo niya ako kay Grant.

And speaking of him. Akala ko ay magiging payapa ang isipan ko kapag nagtungo ako sa sala ngunit mas maraming bagay ang gumugulo sa utak ko.

I lay in sofa for a long time thinking of Grant.

I wasn't even sure exactly what I was thinking about him. It was all slightly vague and unfixed, but I keep flashing back to my memories when he protected me to Borge and Mr. An. Bukod doon habang tumatagal na kasama ko siya there was a kind of nostalgia feeling. I felt like we met before but I can't tell where and when.

Magic ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon