MS. 2

40 12 0
                                    

🦋JOY

I reread paragraphs, furrowing my brow and biting the back of my pen as I tried to concentrate but I failed.

Maingay ang na sa likod ko, ang grupo ni Kelly. Nakikipag kwentohan sila about boys, how expensive their make up o ano ano pang bagay na hindi ko naman maintindihan.

"Oww? That's disgusting Ches. Nakakadiri kaya ng itsura niya like eww! Paano niya nagagawang lumabas ng bahay? Yucks!"

Maarteng wika ni Kelly. I could imagine her face while talking, ngumingiwi.

"Absolutely! I just didn't get it that she is our classmate. How come she's become a Fine Arts student? Ni wala akong nakikitang arts sa pananamit niya and of course her face. It's totally bland," gatong ni Cheska, kaibigan ni Kelly.

"Absolutely," dagdag naman ni Jasmin sa maarteng boses.

Nagtawanan silang tatlo.

Tuluyang nawala ang concentration ko. Isinalampak ko ang mukha ko sa mesa. Hoping that they would stop for godsake!

It's been one week, isang linggo na ang nakakalipas nang pumunta ako sa hospital. Justin slowly healin. Kahapon nakalabas na siya ng hospital at bukas ay papasok na siya rito.

Isang bagay pa ang gumugulo sa utak ko. That guy named Grant. Ginugulo niya ang boung sistema ko. Paano niya nalaman ang bagay na iyon? Isang bagay na ibinaon ko na sa limot.

"Look she's here!" Kelly announced.

Bahagya kong iniangat ang ulo ko para makita ang pinto. There, pumasok si Mica habang nakayuko.

Mas lalong lumakas ang katyawan ng grupo ni Kelly.

"Hi dear Mica," maarteng bati ni Kelly.

Matagal nang binubully si Mica ng grupo ni Kelly.

Mica has a timid personality. Siya ang pinakatahimik sa klase. Madalas siyang nakayuko at nakaupo sa sulok. Sa t'wing tinatawag siya ng Professor namin ay palagi siyang nabubulol dahilan para pagtawanan siya.

Ang grupo ni Kelly ang madalas na mambully kay Mica. Palagi nila itong pinagtatawanan, minsan pinag uusapan at pinariringgan na masasakit na salita tungkol sa kanya. Kahit nga nasa harapan nila ito ay walang humpay silang nanlalait.

Minsan ko nang kinausap si Mica. Sinubukan kong makipag kaibigan sa kanya but unfortunately, iniiwasan niya ako.

Mas lalong napayuko si Mica at deri-deritsong umupo sa pinakasulok.

Lahat ng kaklase namin ay pinanunuod siya at pinag uusapan. Napabuntong hininga ako at muling isinubsob ang ulo ko sa lamesa.

Inaantok pa ako. Halos dalawang oras lang akong natulog dahil nag overtime ako sa trabaho.

Ilang minuto lang lumipas nang may yumogyog sa balikat ko. I rose my head and squinted.

"Yaa! Kung inaantok ka lang din naman. Bakit ka pa pumasok?"

It's Hazel. Nakapamewang siya sa harap ko. Umupo siya sa tabi ko. Umayos ako nang upo at inayos ang nagulo kong buhok.

"Kung mala-late ka lang din naman. Bakit ka pa pumasok?" sarkastikong balik ko. I grinned. Naningkit naman ang mga mata niya at pinitik ako sa noo.

"Ouch!" singhal ko habang hinihimas ang noo. Tumawa naman siya.

"Ah ganun!" Pinitik ko rin siya sa noo.

Tinignan niya ako nang masama. Ako naman ang tumawa.

"I hate you,Joy," nakabusangot nitong usal. I pouted my lips saka siya tinignan.

Magic ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon