MS. 12

6 1 0
                                    

JOY

Kinaumagahan, gumising ako nang maaga. Ngayong linggo ang unang araw ko sa coffe shop ng kaibigan ni Justin.

Kagabi dinala na ako ni Justin sa sinasabi niyang coffe shop ng kaibigan at nagulat ako nang malaman na yung pinuntahan namin ni Grant kahapon ang pagtratrabahohan ko. Isang sakayan lang ang layo sa bahay ko at ng coffee shop. Hindi kagaya sa dati kong trabaho na dalawang sakayan at halos ang isang oras ang byahe. Napakamahal pa ng pamasahe.

Okay din naman sa akin ang sweldo. Hindi nga lang kalakihan sa dati kong sweldo sa resto-bar pero sapat naman iyon sa akin para sa pang araw araw na gastusin.

Papalabas na ako ng gate nang tumawag sa akin si Justin sa cellphone.

"Hello, Joy! Good morning! Nasa coffee shop ka na?" tanong niya sa kabilang linya.

"Magandang umaga rin. Wala pa. Papunta palang ako."

"Oh! I see. Papunta ako ngayon sa supermarket. Dadaan ako dyan sa inyo. Sabay ka na sa'kin. Idadaan nalang kita sa coffee shop."

"Really?! Thank you, Jus. Nasa labas na ako ng bahay. Hintayin nalang kita rito."

Hindi naman nagtagal at dumating na si Justin. Sumakay ako sa kotse niya at umupo sa front seat. Pagkatapos kong maglagay ng seat belt saka niya pinaandar ang kotse.

Habang nasa byahe binanggit sa akin ni Justin ang tungkol sa birthday party ni Edward na gaganapin mamayang gabi. Muntik ko na ngang makalimutan yun.

"Sinabi sa akin ni Ed na hindi matutuloy ang ngayong gabi ang birthday party niya. Next week nalang daw at ibinilin niya ako na imbitahan ko ulit kayo ni Hazel."

"Oh sure. Sabay nalang tayo."

Ngumiti naman siya at tumango bilang pag sang ayon. Tumingin ako sa labas ng binatana ng kotse. My forehead creased as I noticed Grant's figure. Nakatalikod siya at naglalakad nang mag isa.

Nakayuko siya habang naglalakad, parang pagod na pagod at may dala dala rin siyang isang supot. He was like beggar habang naghahanap ng masisilongan. Binuksan ko ang bintana at balak siyang tawagin pero naunahan ako ng hiya kaya pinanuod ko nalang siya.

Nang makalagpas ang kotse ni Justin sa kanya ay saktong huminto na ang kotse. Nasa coffee shop na kami at mukhang doon din ang destinasyon ni Grant.

Bumaba agad ako ng kotse. Saktong dadaan si Grant sa harap ko. Nakayuko pa rin siya at parang lasing kung maglakad.

Anong nangyari sa kanya?

Lumagpas siya sa akin nang hindi ako napapansin.

"Do you know him?"

I heard Justin asked. I looked away and glance to Justin. Nakatingin siya kay Grant habang bahagya nakakunot ang noo.

"Yes."

Tumingin siya sa akin.

"I met him in the hospital. Nong araw na na-hospital ka."

Kumunot ang noo niya at parang may ina-alala sa sinabi ko.

"Wala akong matandaan," he said.

I just shrugged my shoulder at tinapik siya sa balikat.

"Salamat sa paghatid, Jus. Papasok na ako. Ingat ka sa pagmamaneho," I said then I smiled at him. Tumalikod na ako at nagtungo na sa coffee shop.

*

Pagkapasok ko ng coffee shop ay nagtungo ka agad ako ng counter. Nakita ko busy ang isang babae. Nag iisa lamang siyang empleyado rito. Sa pagkakatanda ko ay dalawa empleyado sila. Maybe, natanggal na yung isa kaya ako ang pinalit. I just shrugged my shoulder at nagtuloy sa paglalakad hanggang sa makarating na ako ng counter. Akala ko ay busy ang babae sa trabaho pero mukhang busy siya sa pagkalikot ng kanyang cellphone.

Magic ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon