MS. 11

2 1 0
                                    

JOY🦋

Huminto ang kotse ni Grant sa tapat ng bahay ko. Nilingon ko siya at saktong nakatingin din siya sa akin.

"Hindi kita pipilitin ngunit nais kong malaman mo na hindi ako titigil hanggang hindi kita nakukuhang maging assistant ko."

Gano'n siya ka-determinado makuha ako. Napailing ako sa sinabi niya at namamangha siyang tinignan. Ang seryoso pa naman niya habang binabanggit ang mga katagang iyon. Hindi ko tuloy maiwasang matawa.

"What's funny? I'm serious, Joy," napipikon niyang tanong. A line appeared between her brows.

"Sorry naman. I just can't believe na ang boss na mismo ang pumipilit sa aplikante magtrabaho sa kanya."

"Hindi naman kita pinipilit."

Bumusangot siya.

Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Okay, fine," sumusuko niyang usal.

"Just give me more time. Hindi madali sa akin na pumasok sa gano'ng trabaho lalo na't hindi tao ang pinagsisilbihan ko."

Dahan dahan gumihit sa labi niya ang isang ngiti. Para siyang batang pinangakuan ng pasalubong.

"Naiintindihan ko. Kaya ko naman maghintay, Joy. Huwag mo nang alalahanin ang sweldo dahil triple sa dati mo sahod ang ibibigay ko," he assured me.

I just nodded at him pagkatapos ay tinangal ko na ang selt belt. Nagulat ako nang dali dali siyang bumaba ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto.

Nagpasalamat naman ako samantalang isang matamis na ngiti ang ganti niya sa akin.

Nagpapa-impress ba siya sa akin para pumayag ako sa alok niya?

"Nakalimutan kong itanong saiyo, Joy. Kumusta ang kaibigan mo si Justin?"

Out of nowhere, bigla niya natanong iyon.

"He's slowly recovering."

"Good to hear. Ikaw?" he asked as he looked straight into my eyes.

"I'm okay," I answered directly.

Tumango siya sa sagot ko but it seemed that he expected to hear my answer. Parang hindi siya kumbisado.

"I'm glad to hear that. Sige, pumasok ka na."

Tipid akong ngumiti sa kanya bago tumalikod at naglakad na patungong gate. Habang nagbubukas ako ng gate ay ramdam ko hindi pa siya pumapasok sa kanyag kotse at pinanunuod ako. Hindi nga ako nagkamali dahil nang makapasok ako sa loob at lumingon sa gate upang isara muli ito. Nakita ko nakatayo pa rin siya sa pwesto niya kanina.

Napansin kong seryoso na ang mukha niya at parang may malalim na iniisip. Nang magtagpo ang mga mata namin, ngumiti siya at kumaway sa akin. After that, nagtungo na siya sa kanyang kotse at umalis na.

Pumasok na ako ng bahay at katulad ng dati sumalubong na naman sa akin ang katahimikan ng boung bahay at ang lungkot na palagi kaakibat nito ngunit kahit papano nabawasan nang kaunti ang lungkot na iyon dahil kay Grant.

Hindi ko mawari ang konsolasyong nararamdaman ko kay Grant sa tuwing kasama ko siya.

Ano nga ba ang meron sa kanya kung bakit nararamdaman ko 'to?

Bumuga ako ng isang malalim na hininga bago nagtungo sa kusina. Kumuha ako ng malamig na tubig sa ref. Sumandal ako sa lababo bago ininom ang tubig.

Nakatitig lamang ako sa pinto ng kusina at malalim ang iniisip. I'm trying to figure out all the thigs that had happened these days. Sobrang dami nangyari. Muntik nang mawala ang kaibigan kong si Justin, Mica finally accept herself and Kelly and Borg got what they deserve. Kick out na sa school namin ang dalawa and they deserve that punishment. Kulang pa nga iyon.

Magic ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon