XIX.

356 7 5
                                    

Pagkarating sa aking silid,
Pawis ay aking pinahid.
Nakahihiya kapag ako'y nanlimahid,
'Pag nagkataon, malaki 'tong balakid.

Hindi na nga ako kainaman,
'Di pa 'ko magiging mabusisi sa katawan.
Kung 'di ko aayusin ang aking sarili,
Si Arman, 'di sa 'kin mawiwili.

'Di na nga ako biniyayaan ng ganda,
Higit pa akong malalamangan ng iba.
Heto kasi ang kadalasang basehan,
Nang kalalakihan, ika'y magustuhan.

Napansin niya na 'ko minsan,
'Di dapat magpadaig sa mga kalaban.
Kailangan niya akong makilala,
Nang unang misyon, maresolba.

SilakboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon