XXIV.

180 5 2
                                    

Parang gusto kong magpalamon sa lupa,
Ang aking ginawa ay lubhang kahiya-hiya.
Pinagtawanan pa 'ko ng mga estudyante,
Nakamisugsog tuloy akong bumalik sa klase.

Ang lakas ng loob, 'di naman maganda...
'Di papatulan ni Arman ang ganiyang itsura;
Masyado namang feelingera ang gagita,
Hanggang pantasya na lang talaga siya.

Ilan lamang 'yan sa mga narinig ko,
Masakit kasi totoo. Sino ba 'ko?
Tao lang din naman ako na nasasaktan,
May damdamin, nasusugatan.

Hindi ko mapigilan ang kirot sa aking dibdib,
Nagbabadya na ang mga luha na aking naigib.
Ayaw kong makita nila na mahina ako,
Kailangan kong tatagan ang loob ko.

SilakboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon