XXI.

351 9 8
                                    

Ngiti niya'y nakapapawi ng lungkot.
Ang titigan siya, hindi nakababagot.
Ang bango niya'y nakahahalina,
'Di tuloy siya mawala sa 'king pantasya.

Gusto ko ulit marinig ang kanyang tinig,
Puso ko'y binibigyan ng kakaibang pintig.
Idagdag pa ang napakatikas niyang tindig,
Kay sarap hawakan ng kanyang bisig.

"Arman, mahal kita!" sigaw ni Selya.
Nagkakandarapa rin siya sa 'king sinta.
Mapusok siya gaya ng ibang dalaga,
Gano'n talaga kapag may angking ganda.

Kay Arman, siya ay dedma;
Na labis ko namang ikinasaya.
Si Selya, mukhang ligwak na.
Pagkakataon ko na upang umariba.

SilakboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon