V.

840 25 54
                                    

Ang bilis ng tibok ng aking puso,
Sa isipan ay 'di siya naglalaho.
Paano ko siya makalilimutan?
Damdami'y walang pakundangan.

Nagtatakbo ako palayo kanina.
Pagnanasa'y ayaw nang lumalim pa.
Nakakatunaw ang kaniyang titig,
Presensiya niya'y nakakaligalig.

Matagal ko ng pangarap 'to,
Mapansin niya ang isang tulad ko.
Sinayang ko ang pagkakataon,
Nanghihinayang tuloy ako ngayon.

Ang tiyansa'y bigla kong tinapon;
Kung makikiayon sa 'kin ang panahon,
Isasagawa ko na ang aking layon.
Teresa, tuloy ang hamon.

SilakboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon