XXXII.

107 5 0
                                    

Noong una, hindi ako mapalagay,
Kalaunan, kalooban ko'y dumalisay.
Mababait naman pala sila,
Wala akong dapat ipag-alala.

Nagkuwentuhan lang kami,
Ipinakilala ang bawat sarili.
Kaklase pala nila si Trina,
Inis din sila ro'n sa bruha.

Alam nila kung ano ang ginawa sa 'kin nito,
Para bang nais nilang ipaghiganti ako.
Nakaisip na raw sila ng plano,
Hinihintay na lang nila ang aking pag-oo.

Naantig bigla ang puso ko,
Nais nilang tulungan ang gaya ko.
Ang sarap pala ng pinagmamalasakitan,
Tila ba ang tagal ko na silang kaibigan.

SilakboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon