XXVIII.

128 3 2
                                    

Kinabukasan, pumasok akong matamlay,
Isipan ko'y tila hindi mapalagay.
Gusto ko pa rin makita si Arman,
Kahit na ako'y nasaktan at sugatan.

Gano'n talaga ang pag-ibig,
Lulunurin ka nito sa kilig.
Hindi maiiwasan na puso'y magdurugo,
Maging matatag lang, tibayan ang kalso.

Nakaramdam ako bigla ng selos,
Kapighatia'y lumagaslas, bumuhos.
May kasama siyang babae habang naglalakad,
Tingin ng babae sa kaniya'y namumukadkad.

Hindi ko masabi kung sila na ba,
Wala pa naman akong ebidensya.
Sadyang naninibugho lang ba ako?
Hay, ayaw kong maghuramentado.

SilakboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon