XXXVII.

97 7 0
                                    

Mayamaya, sila ay nagnilay-nilay,
Tila iniisip ang panibagong pakikiagapay.
Nakangisi matapos magkatinginan ang tatlo,
Isang ideya ang pumasok sa kanilang ulo.

Halatang sila'y nagkaintindihan na,
Tinitimbang ang aking simpatiya.
"Isang tagay para kay Teresa!"
Umugong sa tainga ko nang walang palya.

Nanlaki ang aking mga mata,
Sa suhestiyong ibinigay ni Lolita.
Hindi ako makapaniwala,
Silang lahat ay tumalima.

Hinikayat nila ako na uminom,
Upang ang kirot daw ay maghilom.
Oo, pansamantalang mawawala ang sakit,
Pag-uudyok ba ay dapat na pumilandit?

SilakboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon