XVI.

625 15 7
                                    

Nagsidatingan na ang mga bisita,
Si Ate, tumawag na kay Mama.
Masisilayan na namin siya ulit,
Ang araw na 'to dapat maging sulit.

Habang naghihintay ako sa sala,
Mga bisita'y pawang nataranta.
Tila ba isang artista ang dumating,
Ganda nga niya'y nakakaaning.

Munting luha dumaloy sa 'king mukha.
'Di maipaliwanag ang saya sa tuwina.
Tumayo ako para lapitan siya,
Tila ba kaba aking nadarama.

"Ang paborito kong kapatid..."
Luha ay dali-dali kong pinahid.
Nang sabihin ni Ate ang mga katagang 'yon,
Niyakap ko siya habang damdami'y umaalon.

SilakboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon