XXXVI.

53 3 0
                                    

Hindi na nila tinanong kung ano'ng nangyari,
Kagagawan lang naman 'to ng isang lalaki.
Tumangis hanggang makamit ang kapayapaan,
Dinamayan lang nila ako at hinayaan.

Sa pagpupunas ng aking luha,
Isang mungkahi ang kanilang itinakda.
Paghihiganti sa kanila'y namayani,
Ngunit tumaliwas ako at 'di 'to pinili.

Ipinatigil ko na ang nabuong plano,
Okay na, kailangan kong makuntento.
Hindi na dapat palakihin ang panibugho,
Inis at galit na sumibol, dapat ay masugpo.

Hindi naman sila tumaliwas sa 'king pasya,
Basta, binusog lang nila ako ng paalala.
Nais ko na lamang na kalimutan ang lahat,
Tagpian at hilumin ang nabuong sugat.

SilakboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon