Kabanata 6

560 28 18
                                    

Defend


In Einstein's theory of relativity, he explained the relativity of time, how it affects our daily lives. The rate at which time passes is determined by our point of view.

Tulad na lang sa pakikinig ko sa asignaturang matematika. Nababagalan ako sa oras dahil hindi ko naman inaabala ang sarili na intindihin ang paksa sa oras na iyon. Time seems to move slower when I am bored. Kapag marami akong pinagkakaabalahan at alam kong interesado ako, sobrang bilis ng oras. Time is moving fast when I am in a rush. Kapag may deadlines. Nakakakaba lang. 

Time is relevant. Kung ang alas-syete ng umaga ay late na sa akin, sa iba, ang alas-syete ay napakaaga pa. Kaya hindi ko maiintindihan itong pinagiinitan sa akin ni Miss Catindig na late ako gayong hindi pa naman bell. Sadyang maaga lang siyang dumating sa room. 

Hindi ko masabi sa kanya na, "Miss, I am not late for time is relevant." nang matameme siya sa akin.

Pero syempre, hindi ko na sinabi pa iyon. Sabihan pa akong hindi pinalaki nang maayos.

"Sorry po. Natagalan lang po ako sa paglalakad."

"You may seat." I simply shrugged at her cold outburst. 

Hindi lang naman ako ang late sa klase. Si Kendra at Angie rin ay late. Well, hindi sila late, maaga lang talaga itong si Miss Catindig. 

Kay aga-aga ay may activity kami sa RHGP. 

Ang activity pa namin ay tungkol sa importansya ng oras. Lintik talaga. Sa kalagitnaan ng diskusyon ay s-in-ermonan pa kami sa pagiging late.

We all groaned in frustration when she finally left. 

"Kanina pa siyang seven nasa classroom! Gulat ako nang pumasok ako, nakaupo na siya sa harap. Seven-thirty pa naman ang bell pero andito agad!" Kim stressed to us her experience upon entering the room earlier. 

Hindi ko na kinuwento ang side ko dahil alam na nila ang kahihiyang natamo ko. Sampung estudyante na lang ang natitirang 'di nakakapasok noong time na 'yon.

Ang iba nga ay nag-chat sa gc at sinabihan pa sina Jobelle na huwag nang pumasok sa RHGP at sa second period na lang pumasok dahil sisinghalan lang siya. Kaya ayun, tumambay daw muna siya sa Jollibee. 

Lunes na lunes ay hindi agad maganda ang bungad ng umaga ko. Sobrang init din ngayong araw kaya pinagpapawisan ako ng todo. Nakakairita itong init! Sabayan pa ng pagkakainis ko kay Miss Catindig. 

What a Monday!

Naalala ko pa na may TLE kami! Drafting! Shit! Hindi pa ako tapos doon sa two-point perspective na upuan na pinapagawa ni Sir Zobel sa amin.

Kinuha ko ang art envelope ko at sinimulan ang pagguguhit. Ganoon ang naging takbo ng breaks ko. Gumawa ako ng plates. Mabuti na lang at kadamay ko itong mga kaklase kong tamad. I am safe!

Para akong naglinis ng tatlong mansyon sa sobrang haggard na ng itsura ko. Ganoon din si Kendra, Angie, at Pia. Mukha na kaming Manang! At ang putla pa ni Pia. 

Ganoon ang naging takbo ng buong linggo ko. Kapag nagpa-practice ako ng mga piyesa, hindi mawala sa utak ko ang ginawang cake para sa akin ni Sandro. Minsan na lang din kami magkita dahil matindi ang training niya sa soccer. I don't mind. I feel at peace whenever he is not around. Hindi ko lang mawari bakit ganoon? Parang may kulang sa buhay ko.

It's good to feel at peace but it's ridiculously wrong! I've never felt this kind of trance. As if my whole body is floating on air for feeling the emotion I always seek.

Wala ako sa sariling nagpahangin sa labas matapos ang mahabang araw. It's a Tuesday, my favorite day. Alas-tres ang uwian namin, walang practice ng piano, hindi gaanong mabigat ang subjects ngayon. 

Song of the WindWhere stories live. Discover now