Kabanata 21

395 14 1
                                    

Liar

Para akong binaksakan ng langit at lupa nang marinig ang kuwentong matagal na sa aking nilihim. 

Pagkauwi ng bahay, humagulgol si Mommy sa sala at walang nagawa ang paglalambing ko sa kanya. She kept calling on Daddy's name. Ang sakit na marinig na ganitong ka mahal ni Mommy si Daddy. Para akong bumalik sa pagkabata ko na ganito ang pag-iyak ni Mommy. I knew it felt familiar. Her cries. Her cries are from the mourning of her love for Daddy.

Wala akong nagawa kundi tawagin si Tita Claudine para tulungan akong patahanin si Mommy. To my surprise, Mommy was comforted by her little sister's embrace. One that I cannot pull. 

Hindi ko alam kung kirot ba o inggit itong nararamdaman ko. Ako ang anak, pero hindi ko kayang patahanin si Mommy. Ganito kalayo ang relasyon namin ni Mommy. Hindi niya kayang ma kalma sa mga pagtahan ko sa kanya.

Mommy is now asleep thanks to Tita Clau. Malapit nang mag hatinggabi at narito pa rin si Tita Claudine. 

I already took a bath and changed clothes. Nang makita ko si Tita Claudine na lumabas ng kuwarto ni Mommy, she sighed and smiled at me.

"Cybele, kailangan nating mag-usap." 

Hindi ko alam kung anong mararamdaman sa oras na 'yon. Tumango na lang ako at sumunod sa kanya pababa. 

"Nora, ipaghanda mo kami ng kape at cookies ni Cybele sa may patio." 

Tita Claudine sat on a couch as she looked at me with questioning eyes.

Naupo ako sa katabing couch at napatitig sa kawalan nang wala sa huwisyo.

"Sinabi sa akin ni Ate ang tungkol sa anak ni Graciella." 

May namumuong luha na pilit tumakas pero pinigilan ko. My heart is squeezing from pain. No... please, not my Sandro.

Pagkarating ng kape at cookies namin, t'saka nagsimulang mag kuwento si Tita Claudine.

"Your parents' relationship is the fruit of arrange marriage. Ang nangako para kay Ate ay si Mama, at ang nangako ng para kay Kuya Franco ay ang Lola Dalia mo. We don't have a good relationship with our Mom. You see, Mama is also a product of an unhappy arrange marriage, at ang naapektuhan ay kami.

"Gaya ng galit ng Kuya Corvus mo, ganoon din ang galit ni Ate kay Mama. She kept on seeing the man she loves na nasasaktan kaming magkakapatid. Ate, like a great big sister, she defied everything from Mama. Including the proposed marriage with Franco. Sinabayan ni Ate ang trip ni Mama at iyon ay ang magpaka-bait, pakasalan, at mahalin si Franco. Honestly, Ate hates every breathing fiber of Kuya Franco. Basta lahat ng gusto ni Mama, kasama na roon si Kuya Franco, kinaiinisan niya."

Habang tumatagal ang kuwento ni Tita Claudine, unti-unti akong nanghina. Hearing how Mommy used to hate Daddy like this is tearing me apart. Close kami ni Daddy at wala siyang ibang pinakita sa akin kundi pagmamahal.

"But every hatred from her system melted down when Ate figured out Franco's escape plan from their wedding. Galit siya kay Franco pero hindi niya hahayaang gawin iyon sa kanya. Of course, I was also enraged with that fact. Gusto sana namin isama si Crisostomo sa plano pero ayaw niyang gawin. Nabulag na sa pagiging idolo kay Franco. Our plan does not involve anything that could harm anyone. Gusto lang talagang maging malaya ni Ate. Kasama na ako roon. So, we ran away." She giggled at the thought of running away.

"With our hard-earned money, nag migrate kami sa Switzerland at nagtayo ng bahay doon." The joy in Tita Claudine's eyes is untamable. It must be nice to feel such joy. "Ansaya pa lang maging malaya."

"For two years, doon lang kami nanirahan ni Ate. We used our time to make cheese or paint beautiful sceneries. May trabaho kaming pinasukan sa isang cheese shop kaya may income kami. S'yempre, sa lahat ng sayang naramdaman namin, may kapalit na sakit. Mama found us, and she was enraged. And because we have a tainted relationship with our Mother, parang bula lang ang galit niya. Sinisi pa nga namin siya sa lahat ng sakit na natamo namin." Tita Clau smiled smuggly. 

Song of the WindDonde viven las historias. Descúbrelo ahora