Kabanata 13

489 26 19
                                    

Rivals


Muntik na akong mahulog sa aking pag-upo sa sobrang kaba.

Mommy is here. She is surprised that I am even here on the stage, at this very moment, performing. Risking my name.

The emcees introduced me kaya nagkaroon pa ako ng time para makapagdasal ng ayos.

Enjoy! Don't pressure yourself!

Naririnig ko ang boses ni Kendra sa kadulu-duluhan ng utak ko. Right. I should just enjoy this one. Minsan na lang ako sasali sa ganitong klaseng competition kaya lubuslubusin ko na.

When the emcee cued me to start, doon nagsimula ang pag-init ng aking kamay.

Sa pagpihit ko sa keys ng keyboard, I heard a familiar ringing once again. I smiled to myself to show to the audience that I am enjoying.

Para akong naglalaro sa ere dahil wala talaga akong marinig. Naiinis ako at gustong maiyak dahil sobrang sakit ng tainga ko. Bumabalik na naman ang tunog na narinig ko kanina. Nakakapaghina at nakakalito.

Tinitignan ko lang ang keys kung tama ba ang pinipindot ko. Nagkamali ako sa kalagitnaan ngunit nasalo ko naman agad.

My mind... I want to cry.

...
...
...

Natapos ang performance ko nang marinig ang hiyawan ng audience. My breathing was so heavy. Para bang sinosoffocate ako kanina at ngayong naririnig ko ang palakpak ng audience, nakahinga ako nang maluwag.

I need water.

Pagkabalik ko sa backstage, sinalubong ako ni Louella ng palakpak.

"Wow! Ang galing mo talaga!"

Tinanguan ko na lang siya. My eyes searched for someone. The moment my eyes landed on Sandro, agad siyang lumapit na may dalang tubig. Inabot niya sa akin iyon. Agad ko naman itong binuksan dahil para akong tumakbo ng sampung kilometro sa pagtugtog kanina.

"You're tired." Sandro concluded. "Gusto mo bang lumabas?" His offer is enticing me. It sounds nice to go out and grab some fresh air.

"Yes, please?"

His expressive eyes told me a lot of things at that moment. Excitement. Mostly, it is that.

May daanan sa backstage patungong labas. I told him that I want to roam around the school at baka makita ako ni Mommy na nakatambay sa may mga puno kung saan kami nagkita kanina.

Lying does no good to me. Walang takas ang pagsisinungaling sa akin dahil palagi na lang ang kapalit ay kaparusahan. Right now, I don't want to face Mommy's wrath. Puwede ko namang problemahin iyan mamaya. Gusto ko munang makalanghap ng sariwang hangin sa labas.

Nangunguna ako sa paglalakad. Ayokong maabutan ako ni Mommy. Mabuti na lang at malaki ang naging hakbang ni Sandro.

Pumunta ako sa may field. There is a small wooden bench just in front of it. Walang katao-tao dahil lahat ng estudyante ay nasa loob ng gymnasium.

My eyes gazed at the jaw-dropping view of the setting sun. The sky looks happy with its vibrant colors of red, orange, pink, and blue. If I only have my phone with me, baka nakunan ko na ito ng litrato. It's fascinating to think that the sky is celebrating while the sun is on the verge of ending the joyous events of the day. 

Pinagmasdan ko talaga ang paraan ng paglubog ng araw. Hinihila ako ng araw na sumama na lang sa kaniya sa dilim. Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa makaranas ng sakit sa lupang ibabaw. 

Song of the WindWhere stories live. Discover now