Kabanata 18

408 18 2
                                    


Prodigy

Tita Ciella sighed before turning to me. Bumalik ang pagkalumanay at pagmamahal sa kanyang mata.

"Personal grudges, Cy. Personal grudges..." inulit niyang sabihin tila may pinapahiwatig sa akin.

"And what did they do aside from firing you?" Kita ko ang gigil at galit sa sinabi ni Sandro.

Natawa lang si Tita Ciella, "They took my parent's hard-earned land. They blocked all companies so I can't have a stable job."

"They did that?" Galit si Sandro pero halata mong nagtitimpi lang.

Sa walang kadahilanan, nanghina ako. I am an heiress to a company and one day, I'd be handling people. Nasasaktan ako na para bang ako ang pinapakinggan ni Tita Ciella. Hindi ko alam... pero iyon ang nararamdaman ko.

But this... this is a lesson I must take with me, that all people who are working have their own families, own sober story that I don't have the will and right to tamper it.

"Oo, Sandro. Namumulubi ako noon sa Maynila at nag-iipon para makaalis ng bansa dahil ang propesyon ko naman ay mas kailangan sa ibang bansa. Pero iyon ang nangyari, walang natira sa akin. Pero mabuti na lang at nakilala ko ang Papa mo..." she looked at her husband with adoration and love. "He helped me get through it all. He has a stable job. He is a successful engineer in his field, and he loves me so much."

Malapad akong ngumiti sa istorya ng kanilang pagmamahalan. Ang ganda talaga pakinggan ang love story ng magulang. Hindi kasi nagkukwento si Mommy at Daddy noon sa akin. Palagi silang abala sa kanilang trabaho.

After eating the dessert, we all heard a loud horn outside. It must be my driver. Nagpaalam na ako sa kanila at nagpasalamat para sa masarap na hapunan.

Nasa may pinto ang mag-asawa at si Sandro ang naglakad sa akin papalabas.

"Salamat po, Tito and Tita!" I waved my hand at them.

"Balik ka ulit dito kapag may pagkakataon!" Tita then waved also at me.

"Pasensya na nga pala at PDA ang magulang ko kanina." Sandro scratched his head.

Nangingiti akong umiling sa kanya. "I don't mind it. I prefer it like that."

Sumilay ang tuwa sa mata niya. "Okay, then."

Tumango ako sa kanya at tinalikuran para makasakay na. Nang isara ko ang pinto, binaba ko ang bintana at kumaway muli sa kanila.

I'd definitely come back again.

Or not.

Mommy was notified about Ma'am Florence and Madame Anita's situation kaya nabuksan namin ang topic na ngayon ko pa lang din nalaman.

"Hindi ka na matuturuan ni Florence, Cybele. She needs to take care of her mother kaya ie-enroll kita sa isang pianist sa Manila."

Nagulantang ako sa sinabi niya. "My, bakit doon pa? Malayo po. How about my studies?"

"You'll have your sessions by the weekend. Sa bahay natin sa Manila ikaw pansamantalang magpapahinga."

Wala akong nagawa kundi ang tumango.

Ibig sabihin no'n hindi ko na makikita si Sandro sa mga practices? No! It can't be! Iyon na lang ang dahilan para masilayan ko siya.

"I know you've already mastered the art of classical music, Cybele but I want you to learn from that pianist. You'll be joining a piano concerto September next year."

Nabigla ako sa sinabi niya pero may kaunting alam na ako tungkol sa piano concerto na ito. It's a crazy news among classicist about this concerto being held in CCP. Ito ang inaabangan ng mga pianista na laban dahil ito ang isa sa mga highlights ng kanilang buhay sa pagiging pianista.

Song of the WindWhere stories live. Discover now