Chapter 1

52 7 0
                                    

Chapter 1: Examination Program

Maganda ang panahon ngayong araw at maaliwalas din ang kabuuan ng Linus Academy. Wala na rin masyadong estudyante ang nagkalat sa quadrangle dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang kaniya-kaniya nitong klase.

Sa una at ikatlong buwan ng pasukan ay isinasagawa ng buong Linus Academy ang tinatawag nilang “Examination Program"”. Ito ang isa sa pinaka-magandang programa na isinagawa ng Direktor ng Linus Academy para mabigyan ng pagkakataong makapasok sa paaralan nila ang mga may kakayahang umabot sa batayan nila bilang isang estudyante ng Linus.

Dalawang araw sa isang taon lang ‘to nangyayari kaya naman marami talaga ang hindi hahayaang lumampas ang pagkakataon na ‘to. Minsan na rin silang nangarap na makapasok sa paaralan at kailangang matupad ang pangarap nilang iyon.

Kaya naman ngayong araw ay halos maging okupado ang malaking gym ng Linus Academy dahil sa rami ng estudyanteng malamang ay kukuha ng exam para ngayong taon — nagbabasakaling palarin sila at maging tunay ng estudyante ng Linus.

May iilan pang galing sa iba’t-ibang probinsya at lugar mula sa Pilipinas. At nakakamanghang makita na may iilan ring galing sa ibang bansa. Sobrang ingay na rin sa loob ng gym dahil sa bilang ng mga estudyanteng hindi bababa sa tatlong libo.

Mula sa isang sulok ng gym ay iritableng nakatayo si Solo habang salubong ang parehong kilay na may kausap sa kaniyang telepono. Batay sa pananalita nito ay halatang naiirita na siya ng sobra sobra.

“Do I really have to do this?” Hindi niya mapigilan ang pagkairita habang tinatanong ‘yon sa kausap na si Zon.

“We already made a deal.”

“Screw that. In fact, I can escape from this shit. You know how I hate this kind of thing.”

“We can’t escape from this thing anymore. All we have to do is to comply from Dad’s behest.”

“But I don’t want to do this.”

“Hey, I know how you hate school. But really, I want you to do this — it’s necessary for you to do this. Because you’re the only one who really fits in this part. You’re a teen, and I’m benear oldie.”

“But—”

“Do you think I can do that?” Hindi umimik si Solo kaya naman nagpatuloy sa pagsasalita ang kaniyang kausap. “All you have to do is to do your part, and I’ll assure you that I’ll comply with mine as well. See? We’re fair and square.”

“Hindi ba’t mas mahirap ‘tong parteng pinapagawa mo sa‘kin?” Irap pa niya saka bumuntong hininga.

“All you have to do is to trust yourself, the way I trust in you. And hey, this might be the way to overcome your fear in school—”

“I don’t fear it, I hate it.”

“Yeah, fine.” Bumuntong hininga ang mula sa kabilang linya. “Now I guess, we’re all settled. You do your part, Solo. Don’t dare to escape on me.”

Nang namatay ang tawag ay saka iritableng binulsa ni Solo ang kaniyang telepono sa jeans na suot niya. Hindi niya alam kung bakit niya ginagawa ‘to, ang alam niya lang ay kailangan niyang gawin ang parteng ipinapagawa sa kaniya. At mukhang wala na nga talaga siyang takas.

“Damn it,” anang Solo saka marahas na bumuntong hininga ng dalawang magkasunod.

“Students!” Bigla na lang ay may nagsalita no’n gamit ang isang wireless microphone.

Tumingin siya sa may bandang stage na nandoon sa gym para makinig sa nagsasalita sa harapan. Ngumiti ito, “Ang dami niyo.” Anito saka pekeng natawa. “As everyone knows, this day is the first Examination Program of the year that will be held inside the Linus Academy, obviously.”

Linus Academy: School Of ElitesWhere stories live. Discover now