Chapter 21

11 2 0
                                    

Chapter 21

Tuesday came. Solo was sitting on her chair while looking at the paper she’s holding. Listahan iyon ng mga sports club na maaari niyang salihan sa sports fest. Hiningi niya ito kay Mr. Ocampo kanina lang umaga.

Nakakunot ang noo niya habang salubong din ang mga kilay na nakatingin sa papel na hawak. Ang isang kamay niya’y humihilot sa sentido niya habang ang isa naman ang siya’ng may hawak ng papel.

“Badminton, Soccer, Volleyball, Mix Martial Arts . . .” bumuntong hininga ito, saka marahas na pinakawalan ang hangin. “Board games.”

“Good morning!” pumasok sa classroom sina Gun at Asla na ngayon ay parehong nakangiti sa lahat.

“Hi, Solo!” Asla immediately rushed to the latter who’s still busy on her paper. “Wala ka pa ring napipiling club?”

“Oo nga, wala pa?” anang Gun na nakadungaw rin sa papel na hawak niya.

Tiningnan silang dalawa ni Solo, saka nito tinuro ang ‘board games.’

“Sa club ka nila magpapa-register?” May himig ng lungkot ang boses ni Asla nang itanong iyon.

“Hmn,” Solo nodded. “Dito lang kasi iyong alam kong pwede ako, eh. Tsaka isa pa, marunong naman akong maglaro ng chess.”

“Pero magagaling ang mga player nila roon. Kung doon ka maglalaro, paniguradong hindi ka makukuha sa sports fest.”

Napangiwi si Solo. “Wala naman akong problema roon, eh. Hindi naman kaso sa‘kin ang hindi makuha bilang representative. Ang importante ay may club akong sinalihan, may points kasi iyon sabi ni Sir, eh.”

Ang dalawa naman ngayon ang napangiwi sa sinagot ng kaibigan nila. Pumasok si Jade sa classroom.

“‘Diba, Jade?” Anang Gun kay Jade na ngayon ay nagtatakang nakatingin sa kaniya.

“Ha? Anong sinasabi mo riyan?”

“‘Diba magagaling ‘yong mga nasa club ng Kuya mo? Sa board games ba. Plano kasi ni Solo roon pero nag-aalala ako kasi baka hindi siya makuha bilang representative sa sport fest.”

Jade chuckled after hearing Gun’s explanation. Sa mukha kasi ng mga ito ay talagang nag-aalala nga ang sila.

“Why are you laughing?” he asked annoyingly.

“Minsan na niyang natalo sa chess ang Kuya ko.” Anito. “Right, Solo?”

“Yeah,”

“Ha? Talaga? Kailan? Saan kayo naglaro? Bakit hindi namin alam?” sunod-sunod na tanong ni Asla.

“Matagal na iyon, eh. Sa mall.”

“So,” umupo si Asla sa upuan niya, saka nakapa-ngalumbabang tumingin kay Solo. “Sigurado ka na talaga sa board games?”

Solo nodded, “hmn. Magpapa-register ako sa club nila mamayang roving.”

“Sige, good luck.”

Solo waited for nine to came. And when it does, pina-una niya muna sa pagro-roving sina Gun at Brandon dahil nagpa-register pa ito sa club na gusto niyang salihan.

Nang makarating doon ay kaagad siyang sinalubong ni Justine. “Magpapa-register ka?” Tinanguan iyon ni Solo. “I knew it!” He hissed and chuckled. “Come inside.”

Kaagad namang pumasok si Solo sa loob ng club room. Dalawa lang silang naroroon ng pumasok siya, marahil ay na sa klase pa ang iba.

Umupo si Justine roon sa may lamesa at kumuha ng isang registration form sa drawer nito. “Here, paki-fill up-an na lang.”

Linus Academy: School Of ElitesWhere stories live. Discover now