Epilogue Part II (LAST PART)

56.9K 644 168
                                    

She's Married To Sex God 

Epilogue Part II 

|Cont. Of Natnat's Mom's POV| 

Naiyak ako sa nakita ko. Sininisi namin siya pero ang totoo naman e kami ang may kasalanan sa nangyari. Lalo na ako. 

"Mommy.. Mahal na mahal ko po si Natalie.. Hindi ko siya iiwanan, dito lang ako sa tabi niya." he said while crying. 

"Go home now Chase" I command. 

"No.. Dito lang ako.. Kailangan ako ni Natalie dito, baka iiyak siya kapag umalis ako sa tabi niya" mas lalo akong naiyak sa sinabi niya. For years, wala ako sa tabi ng anak ko para alagaan at masubaybayan siya sa paglaki. 

Wala kami ng ni Lindon nung mga oras na kailangan niya kami. 

Wala ako nung time na nagaway sila ni Chase at kailangan niya ng isang inang masasandalan. 

Wala akong kwentang ina. Takot lang ako nung mga panahong yon. Iniwan ko siya sa puder ni Papa sa dahilan na baka kapag si Papa ang nagpalaki sakanya e makakalimutan niya ang nangyaring aksidente noon. 

Dahil kapag nakikita niya ang mukha ko e maaalala't maaalala niya si Nataniel. 

Pero bakit sa halip na damayan ko siya e pinakita kong kinamumuhian ko siya?? 

Ang anak ko.. 

Natalie baby, sorry sa mga ginawa ko. Sorry... 

Naramdaman kong niyakap ako ng asawa ko. Kasalukuyan akong nakaupo na rin sa puntod ng anak ko. 

"Lindon.. Ang sama sama kong ina... Ang sama ko.. Wala akong kwentang ina.." at umiyak na ako ng umiyak. 

"Pssssht.. Wag mo sabihin yan dahil naiintindihan ka naman ng anak natin.. Pinatawad kana niya noon pa.." sabay higpit ng yakap. 

"Natalie mahal ko.. Gusto mo bang sumunod na ako sayo??" narinig kong sambit ni Chase kaya agad akong tumigil sa pag-iyak at humarap sakanya.. 

|END of Natnat's Mom's POV| 

Wala ako sa sarili ko. I know. Para nga akong lasing e. 

|Chase's POV| 

"Are you nuts Chase!!?" sigaw ni Mommy sakin kahit tumutulo pa rin ang luha niya. 

"Maybe Mommy.. I Love her so much.. Gusto ko na siyang makasama..." sambit ko. 

"Sa tingin mo ba magiging masaya ang anak ko kung sumunod ka sakanya bigla??" tanong sakin ni Daddy. "Anong binabalak mo??" dugtong niya. 

"Hindi ko na po kaya.. Gusto ko na siyang makasama.. Honey.. Wait for me.." tumayo ako. 

"Gawin mong normal ulit ang buhay mo Chase.. Masakit din kay Natalie ang makitang ganyan ka" sabi ni Mommy na tumayo na rin. 

"Normal??? Hindi ko kaya yun.. Hindi ko kayang mabuhay kung wala siya sa tabi ko Mommy.. Daddy.. Mahal na mahal ko ang anak niyo higit pa sa buhay ko.." sabi ko. 

"Huwag mong hayaang masira ang buhay mo.. May rason ang diyos kung bakt siya nawala.. Marahil ay may iba pang plano ang diyos para satin.. Rason at sakripisyong para magbago ang isang tao.." patuloy na paliwanag ni Mommy. 

Dahil sa sinabi niya ay nalinawan ako. Pero gusto ko ng makasama ang babaeng mahal na mahal ko.. 

"Gawin mong inspirasyon si Natlie at ang anak niyo upang makamit ang pangarap mo. Baguhin mo ang sarili mo at mabuhay ng normal katulad namin.." sabi pa ni Daddy. 

"Pero----" 

"Sa una lang yan masakit Chase.. Sa una lang.. Kaya kung ayaw mong nahihirapan si Natalie na makita kang ganya e dapat baguhin mo na ang sarili mo.." paliwanag ni Mommy at sabay punas ng luha. 

"Nagkamali na kami nung una.. Pangalawa.. Kaya ayaw na naming maulit yun.. Kaya hanggat kaya namin ay gagawin namin. Mabubuhay kami ng normal para manahimik na rin si Natalie sa taas. Alam kong nandyan lang siya.. Kaya nasasaktan din siyang makita kang ganyan kaya ipagatuloy mo lang ang buhay mo Chase" at naiyak na si Mommy ulit. 

"Mommy.. Daddy" niyakap ko sila. 

"Patawarin na natin ang mga sarili natin Chase.. Yun ang gusto ng anak ko.. Ang maging masaya tayo kahit wala na siya sa tabi natin." at nagyakapan kaming tatlo. 

Sabay kaming naglakad palayo kay Natalie. 

Upang umpisahan ang panibagong buhay na wala siya.

Kahit masakit Honey... Kakayanin ko para sayo at para sa sarili ko. Para sa mga taong nagmamahal sakin at sumusuporta sa akin.

Isa lang ang maipapangako ko Honey.

Ikaw na ang kahulihulihang babaeng mamahalin ko.

Ngayon, bukas at magkailanman.

Ganun kita kamahal..

May mga bagay na hindi para sayo. Kailangan mo itong tanggapin at gawin itong inspirasyon. Nagkamali man ako minsan pero hindi na yun mauulit pa.

Mahal na mahal na mahal na mahal kita... 

RIP 

NATALIE KLANE HYO-JOO. 

FEB. 14, 1994-DEC. 16, 2012 

----

[MZG a/n : ito na ang aking last UD!! Abangan na lang ang mga susunod na pangyayari sa Book 2.. "I'm still Married" Jusr click the external link. :)

Thank you po sa mga nagsupport ng story ko!! Thank you thank you talaga! =) I hope isusupport niyo din ng ganun ka HOT ang Book 2.. 

THANK YOU PO TALAGA SA LAHAT NG MGA NAGVOTE, COMMENT, NAGFAN AT NAGLAGAY NITO SA RLs NILA.. ILOVEYOU ALL!! Ahihi.. XD 

Click the External link for the book two! :)

mua! Mua! Mua! ]

Chasing Nathalie (She's Married To A Sex God)Where stories live. Discover now