Chapter 10: Chase

67.1K 378 6
                                    

Chapter 10

Nagising ako dahil sa sikat ng araw mula sa bintana.

Ang ganda lang sa feeling na ang unang makikita mo sa umaga ay mukha ng taong mahal mo.

Ang maganda niyang mukha. Ang matangos niyang ilong, ang mga labi niya, singkit na mga mata, mahahabang pilik mata, at ang maamo niyang mukha.

Hinalikan ko siya sa ilong.

Habang tinititigan ko siya, naalala ko ang nangyare sa amin nung birthday ko.

Ofcourse, wala talagang nangyari sa amin nung araw na nahuli kaming walang damit ng parents ko loob ng kwarto ko.

Flashback

"Chase, pare, mukhang tinamaan agad si Nathalie ng alak oh," sabay turo ng barkada ko kay Nathalie na nakaupo sa private table ko na pulang-pula na ang mukha.

Ang saya ko sa 22nd birthday kong ito, after years okay na kame ulit ni Nathalie. Mabuti nga at pinatawad niya na ako sa nagawa ko sa kanila ni Vince. Pero kasi nagawa ko lang naman yun dahil sa mahal na mahal ko siya.

Nilapitan ko si Nathalie na mag-isa at patuloy pa rin ang pag-inom sa private table.

"Bess tara na iuuwi na muna kita," sabi ko sabay hinawakan ko siya sa balikat.

"Oh! Besssh! Birshday mo ngayon dshiba? Mamaysha na.." lasing na talaga to eh. Sabi ko nga sakanya huwag na siyang uminom dahil hindi naman siya talaga sanay sa alak.

"Sa bahay na lang tayo uminom. May celebration din sa bahay namin," sinabi ko lang yon kahit wala para umuwi na kami. Ayokong magpa-party sina Mom eh.

"Ssshara na Bessh, mashagal ko na din dyi nakikisha shina Shita at Shito eeh.." lasing na talaga si Nathalie. Tumayo siya pero agad ding napaupo kaya inalalayan ko lang siya para makatayo at makalakad ng maayos.

"Pare kung sakali di na ko makabalik, pasensya na lang hah," sabi ko sa mga barkada ko.

"Don't worry bro. Alagaan mo yang si Nathalie at baka makuha na naman ng iba," sabi ni Den.

"Huwag mo nang pakawalan pare!" At nagtawanan na sila.

"Mga loko, bestfriend ko to."

"Oo ngaaaash..." ungol ni Nathalie kaya tawanan na naman ang mga kumag.

"May bestfriend bang nambugbog ng manliligaw? Ha ha ha" pang-aasar nung isang kong tropa.

"Hoy past is past. Sige na mauna na ako at baka saan na naman to marating," dali-dali na akong pumunta sa parking lot habang nakaakbay sakin si Nathalie na kulang na lang kargahin ko siya.

**

Malapit na kami ngayon sa bahay nila. Kaya ginising ko na siya para pagdating namin di ko na siya kailangan gisingin.

"Nathalie..." sabay alog ko sa braso niya. "Bess, gising bess malapit na tayo sa bahay niyo Nathalie."

"Hrrrmmm" ungol niya.

"Natee... Natee... gising na papasok na ko sa phase niyo."

"Ugh! Ano ba naman yan..." gising na siya.

"Malapit na tayo sa bahay niyo," sabi ko.

"Hah! Wait! Bakit dito? Ayoko! Dyiba shabi mo sa bahay niyo?" Sabi niya na may halong kalasingan. Then she added, "Chase please pwede ba dun na lang muna ako sa bahay mo. Please? Dun na muna ako matutulog sa guest room niyo please," pagmamakaawa niya na tila nawawala na ang konting lasing sa pagsasalita.

"Huh? Bakit? Siguro nag-away na naman kayo ni lolo? Or inaway mo na naman siya," I stopped the car.

"Nag-away kame kasi ayaw niya ako bigyan ng consent para puntahan parents ko sa states. Unfair siya.. Gusto ko lang naman makita sina mommy't daddy. Lagi kasi silang busy eh."

"Okay-okay pero Nathalie nirerenovate ang second floor ng bahay kasama ang guest room ngayon kaya sa kwarto ko na lang ikaw matulog, is that okay?" Sabi ko.

"Ano ba naman yan. Lagi naman tayong tabi matulog noon eh," pagkasabi niya nun, in-start ko na ang kotse.

**

Pagkauwi namin ni Nathalie sa bahay namin tulog na ang lahat kaya di ko na nagawang ipagpaalam na matutulog sa bahay si Nathalie.

"Chase, pahingi ng drink," sabay kuha niya ng brandy at baso sa may counter at umupo sa stool.

"Hoy tama na nga yan. Lasing kana nga, dadagdagan mo pa," mabilis kong hinablot ang bote sa kanya.

"Gusto ko lang naman makalimutan ang problema ko, kahit ngayong gabi lang please?" Then tears started falling from her chinkee eyes. Alam kong dinibdib na naman niya ang di pagpayag ni lolo sa gusto niya kaya wala akong nagawa kundi umupo sa stool katabi niya at binuksan ang alak.

Sinamahan ko siyang uminom hanggang sa nalasing na naman siya. Sanay na akong uminom kaya matagal bago ako tamaan ng alak.

"Chassshe..." biglang sabi niya.

"Oh? Tara na sa kwarto ko," hinila ko siya at inalalayan paakyat.

Nung nasa loob na kami ng kwarto ko, bigla siyang humarap sakin at hinawakan ang mukha ko.

"Chassshe..."

"Mmm?" sabi ko.

"Dyiba?? You love me more than bessshfriend?" I nodded. "Kisssh me pleasssh," she pouted. "Mashagal na kitang dyi na hahalikan bessssh."

"Natee, you're drunk. Kaya matulo---" naputol ang sasabihin ko dahil hinalikan niya ako.

Sinong aayaw sa halik?

Tumugon ako sa halik niya. Torrid na kung torrid ang kiss kase naririnig ko na siyang umuungol.

Totoo ba talaga ito? Hinahalikan ako ni Nathalie? Hindi lang na to experimental naming dalawa? Damn.

Naramdaman kong she unbuttoned my polo and unbuckled my belt.

Kumalas ako. "Don't," sabi ko.

"I wansht tsho dyu dish..." at hinalikan ako ulit.

Wala na akong nagawa kaya naging sunud-sunuran lang ako sa gusto niya nung una pero di nagtagal ako na ang naghubad sa suot niyang semi formal dress na nasa likod ang zipper. Lumantad sa akin ang pinakamagandang katawang nakita ko.

Agad niyang tinanggal ang bra at undies niya subalit, di ko ito nakita dahil sa sobrang kaba ko sa makikita ko kaya in-off ko ang lights.

Naghalikan ulit kame at unti-unti ko ring tinatanggal ang pants at sumunod eh ang boxers ko.

"Nathalie..." inihiga ko siya sa kama at pumaimbabaw sakanya ngunit bigla siyang tumigil at...

Nakatulog...

"Nathalie naman eh. Binitin mo ako.. Tsss"

End of Flashback

Natawa ako nang maalala ko ang nangyare sa aming dalawa.

If that night didn't happen edi sana hindi kami kinasal. Edi sana hindi mangyayare ang lahat ng ito.

Chasing Nathalie (She's Married To A Sex God)Where stories live. Discover now