Chapter 1: Nathalie

87.9K 534 26
                                    

Chapter 1

Years ago...

Si Chase, bestfriend ko. Bata pa lang magkasama na kami, pero napapansin ko di na normal ang pag-trato niya sa akin. Parang... Parang hindi na bilang bestfriend?

Isang araw may ginawa siya na ikinabago ng pagkakaibigan namin.

"Mahal kita, Nathalie, hindi lang bilang isang bestfriend. Higit pa kasi hindi na lang kapatid ang turing ko sayo. Mahal talaga kita. Inlove talaga ata ako sayo," hinawakan ng isang kamay niya ang kanang balikat ko habang pilit na tinataas ng isang kamay niya ang mukha ko sakanya.

Hindi ko kayang tignan siya.

May mali eh.

"Mga bata pa tayo," yun lang ang tangi kong nasabi.

Ayoko ng mga nangyayare. Ayoko.

Nagsimula na akong maglakad palayo sakanya.

DUG. DUG. DUG. DUG.

Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

Tumakbo ako ng mabilis at hindi ko pinapansin ang mga naglalakad.

Hanggang sa di ko na lang napansin at nakadapa na ako.

"Tsk. Hindi ka kasi marunong tumingin sa dinadaanan mo. Ayos ka lang ba?"  Tapos nakita ko na lang may nakadapa rin sa kanan ko.

Hindi ko man nakikita ang reaksyon ng mukha niya pero alam kong inis na inis siya sa akin.

"Sorry po," pinilit kong tumayo pero bigla akong napulikat at napa-upo ulit.

"Wait, you... Nathalie! Naku teka may sugat ka!"

Mabilis siyang lumapit at lumuhod sa harapan ko, naglabas ng panyo at pinunasan ang dumi at kaunting dugo sa tuhod ko.

"Araaay... Okay na, ako na. Nagasgasan lang naman siguro ako," inilayo ko ang kamay niya at tinignan siya.

"Wait, is that you? Vince?"

Ngumiti siya ng napakalapad at pinagpatuloy ang pag-pupunas sa tuhod ko.

"Sorry, nasugatan ka pa tuloy," paghingi niya ng paumanhin.

"Naku, ano ka ba. It's not your fault, ako ang clumsy," pilit akong tumayo habang naka-alalay siya sa akin.

"Uwian na diba, dumating na ba ang sundo mo?"

"Uhm..." nakagat ko ang mga labi ko. "Wala eh. Wala akong sundo."

"Bakit?"

Sasabihin ko ba sakanya na sumasabay ako kay Chase pauwi? Bahala na nga.

"Ah, kasi sumasab--" huwag na lang siguro. "Feel ko kasing mag-commute ngayon."

"Are you sure? Hindi ba dangerous? Knowing you are a... Ay, tara' hatid ka na namin," sabay hila niya ng kamay ko.

"Wait, daan muna tayo saglit sa room. Kunin ko bag ko."

"Sige."

Galing na kami sa room at papunta na kaming parking lot nang nakita ko si Chase sa malayo.

Nakatayo pa rin sa lugar kung saan ko siya iniwan kanina.

Napansin niya akong dumadaan. Biglang nagbago ang expression sa mukha niya nang makita si Vince.

Namukhaan siya ni Vince at lalapitan sana siya pero I grabbed his arm at napatingin sa akin kaya I mouthed, "No, please" he stopped.

"Kaya pala..." mahinang sambit ni Chase pero it's already enough so I could hear it.

"Bakit di mo siya nilapitan?" Sabi ni Vince.

"Nag-away kasi kame, bahala siya," sabi ko na lang.

"Ganun? Eh dati nung grade school tayo, di man lang ako makalapit kase lagi siyang nakadikit at nakabantay sayo," sagot niya.

"Oo nga eh, pero wait bakit ka nga pala andito?" tanong ko sakanya nung nasa loob na  kami ng sasakyan niya.

"Magta-transfer kasi ako. Kasama ko si mommy kanina pero nauna lang siya umuwi while I'm taking the M.I. test sa guidance office kasi she has a meeting pa."

"Talaga? Bakit? I mean why will you trasnfer here?"

"Para lagi kitang makita ulit," hindi ako nakasagot.

After seconds...

"Vince naman."

Bigla siyang humarap sa akin at hinawakan ang right hand ko.

"Diba sabi mo sa akin noon, pwede na ko manligaw kapag high school na tayo? Diba? Diba?"

"H-Huh? Sinabi ko ba?"

"Nathalie naman, di ko makakalimutan yun."

Ah, naalalala ko na. Nung grade five kame, pero what the heck. Sinabi ko lang yun para di niya na ko kukulitin.

"Pero, still mga bata pa rin tayo ngayon Vince."

"Bata? senior high school na tayo ngayon ah. Bata pa rin ba tayo? Eh, we are already considered as second year college na kaya."

"Nah!" Wala na akong masabi.

"Basta! Liligawan kita, okay?"

"Hah?" napalingon ako sa driver. Nakita ko siyang ngumiti lang sa salamin habang pasulyap-sulyap sa amin.

"Okay ba sayo 'yun?" tanong niya ulit.

"Ewan. Ikaw bahala."

Ewan ko ba, alam kong unfair for Chase pero si Vince kasi alam kong walang masisira.

Sunday, nasa bahay lang ako gumagawa ng project.

"Nathalie may bisita ka," sabi ni yaya.

"Sino po?"

"Ako," nakita ko si Chase na nakatayo na pala sa harapan ko.

"Bati na tayo please," sabi niya.

"Bakit? Nag-away ba tayo?"

"Oo kaya! Pero sorry na. Hindi ko na uulitin ang sinabi ko. Kalimutan mo na lang please."

"Okay pero pleasr hah, wag mo na ulit gagawin yun." Sabi ko sakanya.

"Pero pag si Vince okay lang?"

Kaya kinuwento ko na sakanya na nanliligaw si Vince.

Wala lang siyang imik.

After two months, nakatransfer na rin si Vince and nilagay siya sa ibang section.

"Bess tara' samahan mo naman akong bumili ng damit," yaya ko kay Chase habang nagbabasa kami ng webtoon sa labas ng garden.

"Damit para saan?"

"Para sa date mamayang hapon."

"Date? Nino?"

"May date kami ni Vince."

"Bakit? Diba nanliligaw pa lang siya?"

"Parang feel ko kasi sasagutin ko na siya mamaya kaya dapat pretty ako," ngumiti ako sa kanya saka hinila ang kamay niya.

"Yaya, pakisabi kay Manong! Hatid niya po kami sa mall!"

Wala siyang nagawa kundi sumama.

"Basta ikaw." He murmured.

Chasing Nathalie (She's Married To A Sex God)Where stories live. Discover now