Chapter 6: Nathalie

69.7K 423 6
                                    

Chapter 6

Pagkatapos ng klase namin, nagdecide kaming pumunta ni Katleen sa isang Cake Shop. Nagke-crave kasi talaga ako ng red velvet eh.

Palabas na kami ng building nang biglang, "Sissy! Si Chase oh!" turo ni Kat sa isang pigura na naglalakad sa may entrance ng building namin.

"Shet, naku naman oh!" sabay kamot sa ulo ko, "Teka, sabihin mo sakanya nauna na akong umuwi hah, Sissy hah! Sabihin mo talaga sakanya!" sabi ko sabay takbo ng mabilis sa isa kabilang labasan ng building.

"Wait, saan ka pupunta?"

Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Kat sa akin dahil sobrang bilis ko. Ayoko kasing humarap muna kay Chase ngayon. Oo, sinabihan ko siya na mag-usap kame after ng mga klase ko pero sa bahay hindi dito.

Agad akong lumabas ng school at tumawid ng mabilis papunta sa kabilang kalsada kung nasaan ang Cake Shop.

PREEEEEEET! Halos mabangag ako sa pito, kaya natulala ako sa itim na kotse na nasa harapan ko.

"Miss! Magpapa--- Nathalie!" sigaw ng lalakeng lumabas sa itim na kotse.

Parang pamilyar ang boses niya.

"Vince?" Lalo akong nawala sa sarili ko. Natulala, ang gwapo pa rin niya kasi. Ugh

"Hey, may problema ka ba? Parang wala ka sa sarili mo."

Wait, kailan pa siya umuwi ng Pilipinas?

"Huh?" Nasabi ko na lang.

"Bakit ganyan itsura mo? Bakit? Wala na ba kayo ng bestfriend, este boyfriend mo?" he said with full of sarcasm.

Hindi pa rin pala niya nakakalimutan ang nangyare sa amin. For Pete's sake! Ang tagal na 'nun ah?

"How many times do I need to tell you that hindi naging kame at lalong hindi ko asa—" Ay muntanga, asawa ko na pala siya. "Basta wala nga okay! He lied to me. All these years since that day."

"Sorry. Pero masisisi mo ba ako kung bakit ako naniwala?"

Ugh. Naiiyak ako. Ewan ko ba sa pesteng luha na 'to kung bakit sobrang weak. Ang gulo-gulo na ng utak ko.

Si Chase na naman ang rason bakit hindi na ako nagkaroon pa ng lovelife after ang nangyare sa amin ni Vince. Kainis!

"Nathalie? Halika, dito tayo sa loob ng kotse ko. I think we need to clarify things." Aya niya sakin na agad ko ding tinanguan.

Dinala niya ako da isang coffee shop.

We ordered espresso. Ewan ko anontrip namin ej tirik na tirik ang araw, nagkakape kame.

"Sorry, Nathalie" he started.

"It's okay. Matagal na yun eh" I answered.

Pumikit ako. Dumilat. Sabay tulo ng luha ko na kanina pang namumuo.

Hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa maliit cup.

"Don't cry please," hinihimas niya ang likod ko.

"Bakit ka kasi naniwala! Ang gago mo din, Vince! Kung nakinig ka lang sakin siguro naging tayo o hanggang ngayon may tayo pa rin," I said while tears are falling from my eyes.

"Ang gago ko kasi. Sorry na."

"Alam mo bang sasagutin na sana kita sa date na yun. Pero sinira ni Chase," pinunasan ko ang luha ko.

"Alam ko. Sinabi niya," niyakap niya ako ng mas mahigpit sabay sabi ng, "Pinuntahan niya ako kinabukasan. Humihingi ng tawad. Nagalit ang parents ko sa ginawa niyo dahil akala nila... Niloko mo ako."

Chasing Nathalie (She's Married To A Sex God)Where stories live. Discover now