Chapter 2: Nathalie

88.8K 621 10
                                    

Chapter 2

Present

Tumakbo ako palabas ng bahay. Hindi ko na kayang makita siya. Nung hinalikan niya ako kanina, parang humahalik siya ng prostitute.

Nakita ko sa mga mata niya na he's guilty.

He treated me like his other flings.

I'm not just his girl, I'm his bestfriend. And I am his wife now. He should respect me kahit sinisigawan at nagagalit ako sakanya.

Oo, ilang beses na niya akong nahalikan kasi sakanya ko lang naman binigay ang first kiss ko at second at third at fourth at fifth at ang daming beses na eh pero ang ginawa niya kanina, iba.

Ang baboy.

Pero how did I end up in this situation? Gusto kong tumakbo ng tumakbo lang muna kasi naguguluhan ako, kahit wala akong mapupuntahan basta di ko lang muna siya makita. Pagdating kasi kay Chase, ang rupok ko. Siya lang kasi maliban kay lolo ang nakakaintindi sakin. Haysss

Is this a dream? If this is, gusto kong makaalis sa panaginip na ito. Sana nga panaginip lang lang talaga lahat ng 'to.

Hay naku, Nathalie Klane Hyo. Bakit mo pa kasi pinakasalan si Chase Aiden Santinel.

"NATHALIE BUMALIK KA DITO! SORRY!" Ang kahuli-hulihang narinig ko bago ako tumakbo papalayo bahay.

Palayo sa lalakeng akala ko kapatid ang turing sa akin, pero mali pala ako kasi isang araw I woke up... my life already messed up.

"Ugh. Ang sakit ng ulo ko," sabay himas ko sa noo ko.

Inimulat ko ang mga mata ko. At...

"AAAAH!"  Sigaw ko.

Tapos may nagsalita.

"Ugh. Ano ba naman Nathalie," sabi ni Ch--- Chase?

"Aaaaaaah!"

Blag!

Bumukas ng malakas ang door ng kwarto.

"Chase hijo? Baki-? Nathalie? Andito ka? T-teka? Bakit ang kalat- oh my God! Honeeey!" parang di mag-kandaugaga sa sigaw si Tita.

"MA, ANO BA! ANG INGAY NIYO! EARLY IN THE MORNING, NAMBUBULABOG PO KAYO!" sigaw naman ni Chase.

"Oh Honey? Bakit napatawag ka-? WHAT IS THE MEANING OF THIS? CHASE? NATHALIE?" ano ba naman oh, ayoko na talaga.

Sobrang kahihiyan. Sobra! I can't believe what is happening.

"Wala ito Dad, pwede ba?"

"Anong ibig sabihin nito Chase? May nangyari ba sa inyo ni Nathalie? At dito pa talaga!"

Galit na sabi ni Tita. Hindi siya makatingin sa akin dahil sa ayos ko.

Habang si Chase naman, ang cool lang. Parang wala lang sakanya. Sabagay!

Ang ayos ko! Hinila ko na lang ang kumot pataas sa mukha ko.

Ano ba kasi ang nangyayari? Bakit wala akong maalala?

"Tito... Tita," mangiyak-ngiyak na ako sa loob ng kumot.

"Pwede ba Dad and Mom. Leave the both of us alone muna please," and thanked God walang imik eh lumabas ang dalawa.

Tinanggal ko ang takip sa mukha ko.

Umupo si Chase sa kama.

Nakaboxers siya.

"Ayusin niyo yan Chase! Come Honey," sigaw ni Tito sakanya bago umalis.

And that day was the reason why out of nowhere bigla kaming pinakasal ni Chase. Kahit hindi ko gusto, pinilit nila ako.

Yes, they forced me.

Sila. Ang parents ni Chase at ang nag-iisang lolo ko.

Kanina pa ako tumatakbo. Nakalabas na nga ako ng subdivision namin eh. Pero parang hindi ako napapagod.

Nakakainis!

Nagagalit ako sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon.

Sa isang iglap, asawa ko na ang bestfriend ko. Pero ang higit na ikinakagalit ko ay pumayag agad si Lolo kahit wala nama talagang nangyari.

Di ko tuloy maiwasang isipin na dahil sa negosyo kaya nagawa niyang ipakasal kaming dalawa ni Chase.

Like duh, Santinel Group of Companies? Sinong a-ayaw sa isa sa sampung successful companies ng Luzon?

Chasing Nathalie (She's Married To A Sex God)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz