Chapter 5: Nathalie & Chase

72.8K 458 9
                                    

Chapter 5

"Uy Sissy andito si ex bess mo nga," sabi ni Katleen ulit. "Nathalie, ano ba? Nakikikinig ka ba?" pumunta pa siya sa harapan ko sabay turo kay Chase na nasa tabi ko na pala.

"Nathalie," tumingin ako sa taas kung saan nanggagaling ang boses.

"Bess..." pero bakit Bess pa rin tawag ko sakanya kung di ko na siya tinuturing na bestfriend ko diba? Haaay... Nasanay na ata ako, for almost ten years naming mag-bestfriend sinong di masasanay dun.

"Hey, Nathalie can we talk?" Natauhan agad ako nang marinig ko boses niya.

"Hmmm," tumayo ako at nagsimulang maglakad palabas. "Tara na," yaya ko sabay hila ng kamay niya palabas.

Pumunta kami sa corridor kung saan kokonti pa lang ang tao at medyo may kalayuan sa room ko.

"Nathalie we need to talk and please cooperate," he started. Grabe sobrang worried ng face niya.

"If this is about us again and the last night, not here Chase." Napansin ko ang suot niya. "Later sa bahay kasi mahirap na, and by the way bakit yan pa rin suot mo? Diba, kagabi pa yang damit mo?"

"Ah, yes kasi nagmadali akong habulin ka. But the point is I am really sorry, Nathalie. Sorry for what happened last night please," he told me.

"Diba sabi ko not here? Go home. Sa bahay na tayo mag-usap. Huwag dito, please." I did my best to utter those words in a sincere and behave manner.

"Hindi ka ba galit?"

"Ano ba! Mamaya na nga sabi diba, hindi ito ang tamang oras at lugar para pag-usapan natin ang mga nangyare. Okay?"

Hindi ako galit, naiinis ako sakanya.

"Okay, Be-- Natee." Tumalikod na siya at naglakad palayo sa akin.

Natee... Just an old endearment.

Pero nagulat ako dahil tinawagan niya ako ulit sa nickname na yun pero nung lumingon ako sakanya he gave me a peck on my cheeks.

"See you later," he said and went off,

Chase's Point-Of-View

I really love her. I love Nathalie not only as my bestfriend but more than that.

I love her as a person whom I can see my future with. I started to feel that since first year high school.

Alam kong NBSB si Nathalie kaya tinuruan ko siya paano humalik noon para kapag nakahalik siya ng ibang lalake, di siya makakalimutan. Yun yung rason na sinabi ko sakanya.

Pero sa akin yata tumama lahat. When she chose me to only be her bestfriend, ang sakit.

Natuto akong maging babaero dahil sakanya.

Nagtapat ako sakanya when we were fourth year high school. I told her I wanted more. Sa halip, tinakbuhan ako at sumama kay Vince. Pero the only explanation I got was a text saying:

Chase, hindi kita kayang mahalin bilang isang boyfriend. Takot akong masira ang friendship natin bess. Kaya mas mabuti pang ganito na lang tayo bess. Please.

Hindi ko siya nireplyan nun. Hindi dahil sa galit ako, kundi dahil nahihiya ako. Wala akong masabi dahil tama naman siya. We were immatures and there's a possibility that we might break apart and become strangers.

Pero I cannot comprehend eh. Bakit pag ibang lalake okay lang? Oo, nagtampo ako sakanya dahil dumating sa buhay namin si Vince. Sa sobrang timing niya, nagpakita siya sa araw na ni-reject ako ni Nathalie. Kung hindi siya nagpakita nun, ano kaya ang nangyare?

Sabi ni Nathalie nun takot siya? Sa akin? Bestfriend niya ako at kaya ko siyang protektahan. Pero si Vince? Naging sila ni Vince.

Sa sobrang galit ko sa nangyare, naghanap ako ng iba.

Sa kanya ko ibinaling ang atensyon ko para kalimutan ang nararamdaman ko kay Natalie.

Si Andrea.

Ang first girlfried ko. At ang kauna-unahang babaeng naka-sex ko.

Pero niloko niya ako. Sabi niya virgin pa siya nung nangyare 'yun pero I think hindi. Nalaman kong habang kami pa, nagalaw siya ng barkada kong si Pete. Pero siguro karma ko yun dahil niligawan ko lang siya para pagselosin si Nathalie. Hindi ko siya mahal.

Ugh. Ang tanga ko sa babae.

Pero after kay Andrea, lalo akong naging worst.

At the age of sixteen, natuto na akong uminom ng hard drinks. Pumunta sa bar at mag-panggap na eighteen na. Sumasama sa mga barkada kong seniors.

Natutong mag-uwi ng babae sa condo na regalo ng lolo ko.

Mangloko at mang-iwanan matapos pagsawaan.

At that time, mag-bestfriends pa rin kame ni Nathalie. Pero hindi na tulad ng meron kame before naging sila ni Vince.

Ilang beses niya akong pinagsabihan na bumalik sa dating Chase.

Kaso wala eh. Kapag nakikita ko sila ni Vince magkasama, nasasaktan ako kaya maghahanap ako ng babaeng magpapalimot sakin kay Nathalie.

Bigla kong naalala ang hatest day sa buhay ko.

Lumabas kami ni Natee para bumili ng damit sa date nila ni Vince.

"Uy bess! Ito? Bagay ba ito sa akin?" Habang sinusukat niya ang dress sa katawan niya.

"Kahit ano namang isuot mo bagay sayo," walang gana kong sagot.

"Bess naman! Umayos ka."

"Ano ba kasing meron mamaya? Date lang naman diba? Kakain lang kayo."

"Eh kasi, mamaya diba nga..."

"Ano? Kaya tinanggihan mo ang pag-invite ko sayong mag-dinner sa labas kasama mga pinsan ko para sa date niyo lang diba."

"Si Vince kasi bess. Feeling ko kasi baka mamaya, sasagutin ko na siya sa date namin."

Bigla akong nakaramdam ng sakit. Galit. At sobrang selos.

Kaya simula nun, di ko na siya dinadalaw sa bahay nila. Iniiwasan ko na siya sa school. Nagkikita na lang kami everytime may event sa companies, but we barely talk because I would bring a girl with me.

But, I really regret it. Sinaktan ko siya by doing those selfish things.

Kaya babawi ako sakanya. Now that I'm already her husband.

Chasing Nathalie (She's Married To A Sex God)Where stories live. Discover now