Chapter 8~Part II

36.7K 199 13
                                    

Dedicated to Kyla 

Ang aking textmate na ke bata bata pa e, nagbabasa na ng BS xD

FAQS ng mga nagtetext 

-Ano name mo? ZANA nga po e 

-Ilang taon? 71 na ako! :D 

-Taga saan? Taga Greenland at isa akong Shrek! =____= 

-May boyfriend? Meron kaya wag na ako ilakad kasi nakatakbo na ako. @____@

Oh ayan, Nasagot ko na ng Matino except sa name. Wahahaha! :D 

-- 

SMTASG - CHAPTER 8~PART II 

~

Takteng buhay naman Oh! Bakit ngayon pa? Ngayong masaya na ako kay Natalie ngayon pa siya ulit manggugulo? 

|Chase' POV| 

Oo aaminin ko. May nangyari samin ni Andrea pe-pero isang beses lang yun! At... 

[FLASHBACK] 

Andito ako ngayon sa company ng mommy ko. Isa itong clothing line at ako yung model ng isang series ng damit. 

"San na ba ang babaeng kapartner ni Mr. Joo!?" sigaw ng photographer. Kahit ako naiinis na gustung gusto ko ng makasama ang asawa ko. Nakakainis! 

"Andito na daw!" sigaw nung P.A 

Nagbukas ang pintuan at iniluwa dito ang babaeng kinamumuhian ko noon na may kasamang bata. 

"Sorry I'm late po" sabi niya. 

"At sino naman yan??" tanong ng photographer. 

"Anak ko po" WHAT! THE FUDGE! ANAK NIYA!? 

"ANAK MO!!?" nasambit ko. 

"ANAK NATIN BABE" sagot niya. 

Lahat ng tao sa loob ng studio naagaw ang attention dahil sa sinabi niya. Nababaliw na ba siya!? 

"OKEY! OKEY! LET'S SHOOT! GIGI BIHISAN AT AYUSAN MO NA SI ANDREA AT YUNG ANAK NILA IBIGAY MO MUNA KAY CHE PARA BANTAYAN.. SIGE NA GO!" walang prenong sabi ng photographer. 

"Excuse me?" I said. 

"Po?" mahinahong sabi ng photographer. 

"Hindi ko siya anak okey? At sana wag mong gamitin ang salitang 'anak nila' dahil may asawa ako" sabi ko. Nakakainis! Gusto ko siyang suntukin at yang Andrea na yan! Kakausapin ko pa yan mamaya. Nagtitimpi lang ako dahil hindi ako yung tipo ng tao na nageeskandalo at dinadamay ang personal na buhay sa trabaho. 

"Sorry po" narinig kong sinabi ng Photographer habang palayo na ako. 

After 30 minutes ay nagsimula na ang pictorial. Okey lang naman ang lahat walang ilangan at walang pansinan maliban sa babeng ito. Laging nakangiti sa akin. May isang shot nga na parang hahalikan ko siya pero nung natapos na ang shot na yun e mabilis niya akong hinalikan sa labi. Nagulat ako siyempre! Pero hindi ko na lang pinansin. Ang mga staffs naman ang lapad ng ngiti! Bwiset!! 

Natapos ang shoot ng mga 5pm. Mga 6 hours lang ang shoot namin. Nakita ko si Andrea na lalabas na ng pinto kaya agad-agad ko siyang hinila palabas ng building at kinarga ang bata. 

@ Restaurant 

"Bakit ka ba nanggugulo Andrea? Anong pakay mo?" pagsisimula ko. 

"Gusto ko lang naman ipakita at kilalanin mo ang anak natin" 

"Shut Up! Wala akong anak!" 

"Anak mo si Aidan..." Aidan!!? 

"What!?" 

"Aidan ang pangalan niya. From your name 'Aiden'..." sabi niya. 

"Ilang taon na yan?" pagsisigurado ko. 

"2 years old" 

"Have to go" kumuha ako ng pera sa wallet at inilapag sa mesa. Hindi ko na siya hinintay na makasagot at agad-agad na akong lumabas. 

[END OF FLASHBACK] 

Napakacliche ba ng istorya ng buhay ko? Bwiset! Hinde! Hinde!! 

"HINDE!" sigaw ko sa loob ng kotse sabay iling. 

"Wala akong anak! Wala! Wala!" 

Tok!Tok!Tok!... 

Lumingon ako sa bintana. May nakita akong magina na nanglilimos. Karga karga niya pa ang anak niya. 

Naalala ko na naman si Andrea. 

Walang preno preno ay hinarurot ko agad ang kotse ko. 

Riiiing! Riiing! -tunog ng cellphone ko. Agad ko itong kinuha at sinagot. 

"Hello?" 

*"Honey nasaan kana? Bakit ang tagal tagal mo?"* haaaaaay Natalie.. 

"Pauwi na ako Hon" sabi ko. 

*"Pwede bang dumaan ka sa grocery at bilhan ako ng strawberry at bagoong?"* 

"Huh? Strawberry at bagoong??" 

*"Opo Honey ko! Dalian mo please!"* 

"Okey Honey.." 

*"Iloveyou Mua!" 

"Iloveyoutoo so much..." 

At hinungup na niya ang phone. Natalie... Promise aayusin ko to! Andrea! Bwiset ka talaga sa buhay ko.. 

|End Of Chase' POV| 

"Basta po Lolo ayoko munang malaman ni Chase ang tungkol dito" sabi ko. 

|Natalie's POV| 

"O sige.." 

"Promise! Sa Christmas sasabihin ko na sakanya. Parang gift na rin" I said. Nasabi ko na kasi kay lolo ang tungkol sa dinadala ko. And ang saya saya niya! 

"O siya sige.. Basta ingatan mo yang sarili mo. Maselan ang kalagayan mo Natnat" 

"Lolo! Natnat na naman!?" 

"Hahaha... Ang baby apo ako magiging mommy na" at niyakap ako ni lolo. Ganun din ang ginawa ko. Mahal na mahal ko si Lolo at Chase. 

"Natalie.. Uuwi na pala ang mga magulang mo in 2 days" sabi ni lolo nung nagkahiwalay kame. 

"What? In 2 days??" 

"Oo at kasama nila yung kapatid mo" 

"Kapatid Lolo?? Diba.." 

"Sorry kung hindi ko nasabi sayo apo dahil alam kong masasaktang ka.. Nagampon ang Daddy't Mommy mo after 5 years ng pangyayaring iyo and-.." hindi ko na siya pinatapos. 

"Sige Lo.. Aakyat muna ako.." 

Umalis na ako at agad na pumunta ng kwarto. Tinawag ko si Chase para bilhan ako ng Strawberry at bagoong pero ang totoo gusto ko lang marinig ang boses niya. Atleast, alam kong may magcocomfort sa akin. 

Bakit kailangan pa nilang magampon? Andito naman ako? Galit ba talaga sila sa akin? 

--- 

[MZG a/n : ang daming revelations.. :D o siya, VOTE AT COMMENT DIN.. ANG DRY EH..hihi]

Zana<3

Chasing Nathalie (She's Married To A Sex God)Where stories live. Discover now