Capitulum 013

96 18 1
                                    

This chapter is dedicated to @Princess Rieka Ridinghood

--- 

A limousine parked in the forest must be an unusual sight.

Nang makababa na sila sa sasakyan, agad na napansin ni Nemesis na pinagtitinginan sila ng mga dumaraan. And if the shiny black limo wasn’t enough to catch everyone’s attention, then a certain Naythaniel Fabroa surely did.

“TARA, SWIMMING! Yow, Damien! Baka naman may pang-scuba diving ka diyan sa limo?”

“And why the fuck would I bring scuba diving equipment?”

“Sayang. Kung hindi niyo pa kasi naitatanong, nasa bucket list ko talagang sumisid sa Eastwood lake suot ang paborito kong boxer shorts! Coincidentally, I’m wearing them today! Wanna see? Hehe.”

Kuminang ang mga mata ni Naythan habang dumadaldal. Parang isang batang unang beses makalabas ng bahay. Damien completely ignored him and started giving instructions to his butler. Meanwhile, Nemesis pocketed her phone and sighed, “Wala namang may planong magtanong. And, for the love of humanity Naythan, just keep your underwear to yourself!”

“Aray naman, Nem! Akala ko ba bestfriend kita? Suportahan mo naman ako!”

"Okay lang sana kung hindi ako nadadamay sa mga kalokohan mo, eh," napangiwi na lang si Nemesis nang maalala na naman ang ginawa ni Naythan noong high school sila. "Remember the last time you dragged me to help you with your bucket list? Na-suspend pa tayo ng isang buwan!"

In addition, her parents even grounded her for a week, thinking it was her idea!

Napakamot na lang ng kanyang ulo ang binata nang maalala rin ito. "Err...yeah. Pero namali lang ako ng tansya noon!"

"Anong ginawa niyo?" Caelum asked in curiosity. Kanina pa ito tahimik na nanonood sa kanila. If anything, he looked relieved to finally get out of the limo.

"Nasa 'bucket list' rin kasi ni Naythan ang maging Spiderman. So he literally begged me to help him with the setup. Nag-bungee jumping 'yan mula sa rooftop ng school habang naka-Spiderman costume. Hindi niya napansing katapat lang pala ng principal's office ang pwestong napili niya." Nemesis recalled.

Agad namang sumulpot sa kanyang likuran si Rionach. Halatang nawili sa kanyang naring. "Ooh~! Parang narinig ko 'yang tsismis na 'yan! Hindi naman sa tsismosa ako pero parang ganoon na rin! If I remember correctly, muntik pa ngang atakihin sa puso 'yong principal, 'di ba?"

"Yup."

Hanggang ngayon, nahihiya pa rin si Nemesis sa pangyayaring 'yon.

Maya-maya pa, lumapit na sa kanila si Damien. "You'll have to leave your bags. Hindi makaka-park ang limo malapit sa lawa. Walang dadaanan."

Sa huli, iniwan nila ang kanilang school bags sa limousine. And after Sorren reassured them that he'll keep an eye on them, natungo na sa kagubatan ang grupo. Wala sa sariling inilibot ni Nemesis ang kanyang mga mata sa paligid. As much as she wants to solve another mystery again, Nemesis doesn't want to get caught off guard.

'Panahon na siguro para magdala ako lagi ng pocket knife, in case of an emergency,' she thought.

Masiglang nanguna sa paglalakad si Rionach. Her wild hair was kept in a ponytail, swaying like a cat's tail.

Suddenly, Damien broke the silence, "Oo nga pala, kapag nakakita kayo ng hagdan, 'wag ninyong aakyatin. There were rumors a few years back about tourists spotting mysterious staircases in these woods."

Staircases?

Naythan and Rionach both turned to him.

"Shit! That's creepy."

"Oh! Talaga? Teka, maghahanap ako!"

Hindi na napigilan ni Nemesis ang kanyang kuryosidad, "Where do those staircases lead to?"

"Nowhere. Just random staircases."

"Paano naman magkakaroon ng hadgan dito? Baka naman galing lang sa mga lumang bahay na na-demolish?"

Damien frowned, "Silverio, walang nagtatayo ng bahay sa loob ng gubat na 'to. The residential area is about a quarter of a kilometer away. Bukod sa isang abandonadong cabin, walang ibang istruktura sa palibot ng lawa."

"Now that you mentioned it, I think I've read about a case like this," Caelum began. "Ayon sa nabasa kong report, isang dekada nang nakararaan, ipinadala nila ang isang scout ranger sa gubat na 'to para hanapin ang ilang nawawalang  turista. The scout ranger spotted two old staircases in these very woods. Inakyat niya ang isa, magbabaka-sakaling makatulong sa kanyang paghahanap, pero wala siyang nakita maliban sa isang mabangis na aso. When the scout ranger finally went back to the station empty-handed, he was shocked when they fired him."

"At bakit naman?"

Caelum smiled wearily at her. "They fired him for being 'missing-in-action'."

This time, it was Naythan's turn to look confused. "Ha? Bakit naman MIA agad? Eh, ilang oras lang naman yata siyang nawala! That's unfair!"

Pero natigilan silang lahat sa sunod na sinabi ni Caelum...

"Para sa kanya, ilang oras lang siyang nagpa-patrol. Kaya laking gulat niya nang sinabi sa kanyang limang taon daw siyang nawala... That's why that old paranormal report was called 'The Staircase of Missing Time'."

Nemesis stared in disbelief. Muli niyang inilibot ang kanyang mga mata sa gubat, pilit ini-imagine ang nangyari. Hindi niya maitatangging kinilabutan siya sa kwento. And that's the beauty of paranormal stories. They can terrify and take your breath away at the same time.

Nang marating na nila ang lawa, sumalubong sa kanila ang malamig na simoy ng hangin.

The lake was calm, harboring a depth they are yet to explore.

Sa di-kalayuan, natatanaw nila ang ilang bangka ng mga mangingisda sa kabilang bahagi nito. Nang dumako naman ang mga mata ni Nemesis sa langit, kapansin-pansin ang madidilim na ulap. Mukhang maabutan pa sila ng ulan.

She turned to look at the psychic who was already taking off her shoes. "Rio, saan mo nga pala hahanapin ang mutya ng tubig?"

Rionach grinned at her, her cat-shaped earrings dangling.

"Ho ho ho! Marami ka pang kailangang malaman, Nemo~! At hindi ko hahanapin ang mutya ng tubig... siya ang maghahanap sa'kin!"

'Ano raw?'

Bakas siguro sa mukha ni Nemesis na hindi niya ito maintindihan dahil natawa na lang ito. "Kusang magpapakita ang mutya ng tubig sa sinumang may malinis na intensyon at mabuting puso!"

"Ah...so, hindi pala pwedeng maghanap ng mutya si Alcott." She joked, making Rio, Caelum, and Naythan burst into laughter. Ramdam naman niya ang masamang tinging ipinukol sa kanya ng bilyunaryo. Napangiti na lang si Nemesis.

'Suits him right for being an asshole!'

That's when they heard the nerve-wrecking scream.

---

EPICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon