Capitulum 015

93 18 1
                                    

This chapter is dedicated to @Grachelle

---   

“Yow! Kailangan ba natin ng lambat o ng pain? Hehe. Dapat pala kinuha natin yung uod ng amalanhig ‘nong nakaraan.”

Naythan called their attention while staring at the glass jars. Nemesis saw her bestfriend’s face distort in the reflection as he started tapping the jar. Aliw na aliw pa ito. Pero agad ring na napatalon paatras si Naythan nang gumalaw ‘yong matang nakalutang sa tubig at tumitig sa kanya.

“WAH! Nem, itago mo ‘ko! That c-c-creepy eyeball…"

"Ano?"

"M-May pagtingin siya sa’kin!”

Napabuntong-hininga na lang si Nemesis nang pumwesto pa sa kanyang likod si Naythan at ginawa pa siyang harang. “Ugh. Naythan! Pwede bang masanay ka na? Normal na ang abnormal. You're a member of a paranormal club for crying out loud!"

"Tama ka diyan, friend! At hindi natin kakailangin ng mga lambat o uod. All of those are useless against the creature we're gonna catch!" Rionach popped out of nowhere. Nanlilisik pa ang mga mata nito habang nakatapat ang isang flashlight sa kanyang mukha.

She suddenly reminded Nemesis of those movies where teenagers gather around a bonfire and tell horror stories.

At sa sitwasyon nila ngayon, siguro nga maituturing na niyang "horror" ang kwentong ito.

"Eh? Bakit naman? Parang sirena o siyokoy lang naman 'yong kataw 'di ba?" Umayos ng tayo si Naythan.

"Halaaa! Hindi ka ba nakinig kanina, Tantan? Iba ang mga kataw sa mga siyokoy at sirena. Mas makapangyarihan sila!"

Nemesis saw him cringe at the nickname. 'Welcome to the club.'

Ilang sandali pa, narinig na nilang nagsalita si Caelum mula sa kabilang bahagi ng shop. Abala ito kanina sa pagtingin ng mga anting-anting na naka-display sa inaanay na pader.

"Indeed, they are very dangerous. Ayon sa mitolohiya, pinaniniwalaang ang mga kataw ang namumuo sa kaharian ng Bantay-Tubig---it's the where all merfolk live. May kakayahan rin silang manipulahin ang anumang may kinalaman sa elemento ng tubig. Some reports even say that the kataws can even influence a storm and turn water to ice!"

Agad silang natigilan.

'Mukhang mas mapanganib nga ang nilalang na 'to kaysa sa amalanhig na nakalaban namin,' isip-isip ni Nemesis. Kung nagagawang manipulahin ng mga kataw ang tubig, walang panlaban ang mga lambat kapag naroon sila teritoryo nito.

Baka nga lunurin pa sila ng kataw sa lawa, tulad ng ginawa nito sa mga naging biktima niya.

She shifted on her feet, hearing the soft creaking noise of the floorboards. Pagkatapos ng insidente sa lawa, napagdesisyunan ng grupong magpunta sa shop nina Rio. Bukod sa hindi sila kumportableng nakaupo sa limo, they were also trying to find a medallion that can ward off this creature. Base sa sinabi sa kanila kanina ni Rio, posibleng may medalyon para itaboy ito.

But unfortunately...

"Naibenta na pala lahat!"

Until now, Nemesis feels devastated.

Earlier, they've seen the psychic rummage through drawers and drawers of amulets and medallions. Halos matamaan pa sila nito dahil sa paghahalungkat ni Rio (muntik nang matamaan ng mutya ng papaya sa mata kanina si Naythan).

To their dismay, she couldn't find any!

At dahil umalis ang kanyang mga magulang, mabilis na tiningnan ni Rionach ang listahan ng benta nila. Mukhang sinusundan talaga sila ng kamalasan dahil nakumpirma nga nilang ubos na ang mga ito at sa susunod na buwan pa darating ang stock.

EPICOnde as histórias ganham vida. Descobre agora