Capitulum 014

102 20 1
                                    

This chapter is dedicated to @SNOW SRENNIS

--- 

Julian tried to focus his attention on anything but the lake. Madali lang sana itong gawin kung hindi lang mangingisda ang tatay niya.

'At kung hindi lang ako sumama ngayon,' isip-isip niya bago tumulong sa pag-angat ng lambat.

Halos buong araw na silang nangingisda, at paminsan-minsan, tuwing bumabalik sila sa lupa, hindi maiwasang balikan ni Julian ang mga alaala ng kanyang kapatid. Para bang naaaninag pa rin niya si Julia. Pero sa isang kisapmata, bigla na lang maglalaho ang imahe.

It terrified him. How can a single lake can stir up an ocean of emotions?

"Tangina."

Napalingon na lang si Julian sa kanyang tatay nang mahina itong nagmura. Doon niya napansing tumatagos na pala ang tubig sa maliit na butas ng kanilang lumang bangka. Kani-kanina lang ay sinubukan nila itong tapalan, pero mukhang panandaliang solusyon lang 'yon.

Somehow, the water managed to seep through, and the additional weight of their catch didn't help.

'Medyo malayo pa kami sa pampang,' isip-isip niya at sumulyap sa gilid ng lawa. Clouie was waving at him while her father started packing their equipment. Hindi na nakapagtataka. Dumidilim na rin kasi ang langit, at mukhang masama ang panahon. It was the wisest decision to call it a day.

Pero dahil matigas talaga ang ulo ng tatay niya, nagpatuloy pa rin ito sa pangingisda.

"Nak, bantayan mo lang 'yang huli natin. Ayusin ko lang 'to saglit. At kahit anong mangyari---"

But Julian wasn't listening anymore.

Nakatuon na ang kanyang atensyon sa papalapit na bangka. Kumunot ang noo ni Julian. 'Bakit parang hindi ko 'to kilala? At akala ko kami na lang 'yong natira dito sa lawa?'

Lalo lang siyang naguluhan nang kumaway sa kanya ang mangingisda. Doon lang niya napansing wala itong kasama.

"Hijo, pwede mo ba akong tulungan?"

Julian instantly saw what the fisherman needed help with. Hindi nito kayang iangat ang lambat niya sa dami ng kanyang nahuli. Sumulyap si Julian sa kanyang tatay na abala pa rin sa pag-aayos ng kanilang bangka.

'Hindi ko naman kailangan bantayan 'yong huli namin, 'di ba? It's not like all these fishes are gonna jump back into the water,' he thought in amusement before making his decision.

"Sige ho."

Ngumiti ang mangingisda at inilapit ang bangka nito sa kanila.

Walang kahirap-hirap na tinawid ni Julian ang distansya at sumakay sa bangka ng estranghero. Agad niyang nilihis ang kanyang manggas at hinila ang lambat. Mabigat nga. Mas marami pa yata itong huli kaysa sa kanila.

"Salamat, hijo. Napakabuti mo namang tao."

Julian wiped the sweat off his forehead and smiled. "Naku, wala po 'yon. Teka, bakit ba parang ngayon ko lang ho kayo nakita? Bago lang ba kayo dito?"

Lalong dumilim ang paligid. Isang malakas na kulog ang kanyang narinig kasabay ng pagsagot ng mangingisda...

"Matagal na ako rito, hijo."

Bigla siyang kinilabutan sa boses nito. Isang mabigat na himig na walang emosyon.

Nang titigang maigi ni Julian ang tinulungan niyang mangingisda, nanlamig ang kanyang buong katawan nang mapansing puno na pala ng kaliskis ang kanyang balat.

'A-Anong...?'

The fisherman's face was coated in green scales. His eyes were pure black. Nang ngumiti ito sa kanya, napasinghap na lang sa takot si Julian nang makita ang mga ngipin nito. A set of short and pointed teeth, reminding him of a fish's mouth.

EPICUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum