Capitulum 006

131 18 0
                                    

This chapter is dedicated to @Ruru Pabingwit.

----

"Nagpapaniwala na naman sila sa mga kwento."

Napailing na lang ang si Tatay Ruben habang tinatahak ang daan pabalik sa kanilang kubo. He wiped the sweat from his forehead and adjusted the stack of firewood on his shoulders. Pagod man sa maghapong pagsasaka at pagpuputol ng panggatong, hindi pa rin maalis sa isip ng matanda ang pinagpipistahang tsismis kanina ng kanyang mga kasama.

"Ubos daw yung dugo 'nong lalaki!"

"Teka, 'di ba ganun din ang nangyari doon sa nahanap nilang propesor?"

"Ang sabi ng iba magkapatid daw sila."

Usap-usapan na ngayon sa buong Eastwood ang nangyaring patayan sa hilagang bahagi ng kagubatan. Kasabay nito, samu't saring mga kwento at kanya-kanyang haka-haka na naman ang bumabalot sa bayan.

Some claim it was the work of a rabid animal.

Others believe that its something deadlier.

'Hanggang ngayon ba naniniwala pa rin sila sa mga halimaw?'

Gustong matawa ni Tatay Ruben sa kababawan nila. Sa ilang taon na niyang paninirahan sa Eastwood, napakinggan na nga siguro niya ang lahat ng mga kwentong nagmula sa malilikot nilang imahinasyon. In the end, stories are just stories---tales told by residents who suffer from boredom.

Naging seasonal na lang din ang mga paksa nila.

Noong nakaraang buwan nga, naging mainit na balita ang pagkakarooon daw ng tiktik sa lugar nila. Ilang linggong nataranta ang kapitbahay nila dahil kasalukuyang nagdadalang-tao noon ang unica hija nila. Lalo na noong nakakarinig sila ng kakaibang mga tunog tuwing gabi.

It made everyone paranoid.

Several sleepless nights and sharpened bolos later, nadiskubre nilang mga bata lang naman pala ang gumagawa ng tunog.

"Sabi ko naman kasi sa kanila hindi naman totoo ang mga halimaw, eh... Paniguradong tao lang din ang pumatay sa propesor."

Napabuntong-hininga na lang si Tatay Ruben. Sabay hawi sa kanyang namumuti nang buhok. Nakakatawang-isipin na nagpapauto pa rin ang mga tao sa mga kwento at sabi-sabi.

Iba na ang panahon ngayon, at iba na ang reyalidad na ginagalawan nila.

If anything, they should be more terrified of the technology that is slowly eating away humanity.

Umihip ang malamig na hangin. Dahil sa unti-unting pagdilim ng paligid, kamuntikan pang dumulas ang matanda sa pilapil. Mahinang napamura ang matanda nang mahulog pa ang ilan sa bibit niyang kahoy.

"Kapag minamalas ka nga naman!"

Pero nang sinimulan na niyang pulutin ang mga ito, nahagip ng mga mata niya ang paggalaw mula sa mga anino ng mga punong-kahoy. Tatay Ruben's eyes narrowed as he silently convinced himself that it was just another forest animal. Wala naman siyang dapat ikabahala, 'di ba?

Nagmamadali niyang pinulot ang kahoy.

Noon niya napansing nanginginig na pala ang kanyang mga kamay.

EPICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon